• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbubukas ng klase sa public schools, ‘generally peaceful’ – PNP

PANGKALAHATANG mapayapa ang unang araw ng pagbubukas ng klase Agosto 29 sa mga pampublikong paaralan.
Sinabi ni Philippine National Police Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr. na wala namang natanggap na anumang gulo o untoward incident ang PNP.
Nabatid na umaabot sa 32,706 pulis ang dineploy kahapon upang matiyak ang seguridad sa mga paaralan.
Naglatag din ng 6,159 Police Assistance Desks sa mga stratehikong lugar sa bansa na handang tumugon sa pangangailangan ng mga estudyante, magulang, at mga guro sakaling may emergency.
Nakaalerto sa ngayon ang hanay ng PNP para maiwasan ang mga krimen na maaring gawin ng mga mapagsamantala.
Kasunod nito, kanyang hinikayat ang lahat na makipag-ugnayan sa awtoridad at mag-report ng mga kahina-hinalang aktibidad.
Sa pamamagitan nito ay agad na makakaresponde ang PNP at matitiyak ang ligtas na pagbabalik-eskwela.
Mas paiigtingin pa ng PNP ang police visibility na isa sa epektibong paraan upang mailigtas ang mga estudyante at guro sa mga insidente ng snatching, hold up at kidnapping. (Daris Jose)
Other News
  • EX-HOUSE APPROPRIATIONS PANEL CHAIR BLAMES CAYETANO FOR P70-B CUTS IN MILITARY, POLICE PENSION BUDGET

    Deputy Speaker Isidro Ungab on Monday accused the previous House leadership of manipulating the 2020 national budget which resulted in budget cuts totaling P209 billion, including the more than P70 billion that were slashed from the Pension and Gratuity Fund (PGF) of retired military and police personnel.     Ungab was the chairman of the […]

  • RABIYA MATEO, kailangan nang maghanda kung totoong sa May 9 na ang ‘Miss Universe 2020’

    MATUTULOY ngayong 2021 ang Miss Universe pageant.     Ito ay ayon sa Miss Universe Organization vice-president Shawn McClain na naglabas ng maraming pagbabago sa pageant dahil sa COVID-19 pandemic.     “There’s is a chance we change a bit, change some things about Miss Universe.I can’t say many details now, but changes (in) some […]

  • 29k Mga Pinoy, nabakunahan na laban sa Covid-19

    TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Filipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1.   Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.”   Nakapagpadala na ang […]