Skyway 3 libre ang toll sa loob ng 1 buwan
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Ang mga motorista na dadaan sa 18-kilometer Skyway Stage 3 ay walang babayaran na toll sa loob ng isang buwan na gagawin para sa soft opening nito.
Ayon kay San Miguel Corp. (SMC) president at chief operating officer Ramon Ang, ang SMC ay naglaan ng apat (4) na lanes ng expressway kung saan maaaring gamitin ng mga motorista na dadaan dito na siyang magdudugtong sa northern at southern parts ng Metro Manila.
“We are glad to finally open Skyway 3 even on a limited capacity. While this is only a partial opening, given the scale and importance of the project, this is significant development,” wika ni Ang.
Samantala bubuksan naman nila ang pitong (7) lanes ng Skyway 3 mula Buendia, sa Makati hanggang North Luzon Expressway (NLEX) simula sa darating na Jan.14.
Sinabi pa rin ni Ang na dapat sana ay noon pa nila binuksan ang nasabing Skyway3 subalit dahil sa mga nakaraang bagyo ay naantala ang curing ng concrete at ang paglalagay ng asphalt.
“We cannot rush the curing of concrete and preparation for asphalt because these have to be given enough time and have to be given enough time and have to be done according to the highest specifications to ensure quality and safety,” dagdag ni Ang.
Pinasalamatan ni Ang ang Duterte administration sa suporta na binigay nila sa loob ng tatlong (3) taon na tuloy tuloy na pagtatayo ng expressway.
“We believe it will be the key to our economic recovery after the pandemic,” saad ni Ang.
Kasama sa kanyang pinasalamatan ay ang mga economic team ni President Duterte na pinangungunahan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, Transportation Secretary Arthur Tugade, at Public Works and Highways Secretary Mark Villar gawin ang malaking infrastructure development ng pamahalaan sa ilalim ng Build Build Build program at sa pagtulong upang mapadali ang pagtatapos ng Skyway 3.
Sinabi pa rin ni Ang na ang mga issues tungkol sa right-of-way na dati pang nakakasagabal sa pagtatayo ng nasabing project ay nagawan ng paraan sa ilalim ng administration ni President Duterte.
Si Villar naman ang siyang naging responsible upang magawan ng paraan na mapagdugtong ang end point ng Skyway 3 hanggang NLEX.
“The project is the result of so many hard work and contributions of so many stakeholders. We especially thank President Duterte and his economic managers for their continued push for infrastructure development to create growth and make life easier for more Filipinos,” wika pa rin ni Ang.
Ang Skyway 3 ay makakabawas ng travel time sa pagitan ng Makati at Northern Manila ng 20 minuto na lamang at ang Alabang papuntang NLEX ay magaging 30 minuto naman.
Inaasahang magiging alternatibong ruta ang Skyway 3 para sa EDSA para sa mga motorista na nagbibiyahe sa pagitan ng mga lungsod sa Metro Manila na makakatulong upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila. (LASACMAR)
-
MMDA: 1-2 a.m., deadliest hour sa mga kalsada sa NCR
NAGANAP ang mga aksidenteng nakamamatay sa Metro Manila noong 2019 sa oras na ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw, hango sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ito ay batay sa hourly accident tally ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System. Sa kabila ng magaang daloy ng trapiko […]
-
Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng bagong job opportunities abroad para sa mga Filipino -Department of Migrant Workers
MAITUTURING na maganda ang naging Bunga ng mga naging byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa. Isa na rito ang mabuksan ang maraming job opportunities sa abroad para sa mga Filipino. Sa press briefing, tinuran ni DMW secretary Susan Ople na isa na rito ang nabuksang pangangailangan ng Singapore […]
-
VP Sara, wala pang kapalit bilang Kalihim ng DepEd-Garafil
WALA pa ring napipisil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magiging kapalit ni Vice President Sara Duterte na nagbitiw sa tungkulin bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd). Sa isang text message sa mga mamamahayag, sinabi ni Communications Secretary Cheloy Garafil na wala pang maitalaga si Pangulong Marcos na tatayong officer-in-charge (OIC) na […]