• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rice traders, makikipagtulungan sa gobyerno sa pagbibigay ng abot-kayang bigas

MAKIKIPAGTULUNGAN ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) sa gobyerno sa pagbibigay at pagbili ng abot-kayang bigas para sa mga mamimili.

 

 

Sinabi ni PRISM lead convenor Rowena Sadicon na nakikipagtulungan sila ngayon sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) kung paano masusuportahan ng grupo ang Executive Order 39 na inilabas ni Pangulong Marcos.

 

 

Iniaatas ng EO ang presyo ng milled rice sa P41 at P45 para sa well-milled rice.

 

 

Ang parehong EO ay nagtatakda ng mga parusa para sa mga lalabag, kabilang ang mga pagkakakulong na hanggang 10 taon at multang hanggang P1 milyon.

 

 

Ani Sadicon, mayroon silang mga network ng mga retailer at ito ang kanilang minomonitor at sinisigurado na magkakaroon ng supply ng bigas.

 

 

Inamin ni Sadicon ang kahirapan sa pagsunod sa utos ng Pangulo at ipinaliwanag na ang kasalukuyang stock ng bigas ng mga retailer ay binili sa mas mataas na presyo. (Daris Jose)

Other News
  • P6.8M halaga ng shabu nasamsam ng NPD

    UMAABOT sa 6.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng Northern Police District (NPD) sa isang umano’y big-time drug pusher na kanilang naaresto sa isinagawang follow-up buy-bust opera- tion sa Taguig City.   Kinilala ni NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Rahib Abdul, 34, ng Brgy. New Lower Bicutan, […]

  • Ads December 8, 2021

  • 4 TIMBOG SA DRUG BUY BUST SA CALOOCAN, VALENZUELA

    APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang online seller ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular […]