• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng mga bigas, magiging stable -DA

KUMPIYANSANG sinabi ng Department of Agriculture (DA)  na magiging stable na ang presyo ng bigas at palay dahil magsisimula na  ang pag-ani ng mga  nasabing pangunahing tanim ngayong Setyembre at Oktubre.

 

 

Target ang initial harvest na  5 milyong metriko tonelada.

 

 

Base sa Philippine Rice Information System (PRiSM), tinatayang “as of August 14”, ang inisyal na naani na palay ay umabot sa  2 MMT sa pagtatapos ng Setyembre at 3 MMT sa buwan ng  Oktubre, may kabuuang  5 MMT.

 

 

“In all, for the second semester, or July to December, we estimate to produce more than 11 million metric tons, and barring strong typhoons in the remaining months of the year, we hope to hit the 20-million MT level for 2023 national palay output,” ang sinabi ni DA Undersecretary for Rice Industry Development Leo Sebastian sa kanyang report kay Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.

 

 

Nauna rito, inaprubahan naman ng Pangulo ang rekomendasyon ng DA at Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng price ceilings sa bigas sa bansa sa gitna ng pagtaas ng retail price sa bigas sa lokal na pamilihan.

 

 

“This set the mandated price ceiling for regular milled rice at P41 per kilo and P45 per kilo for well-milled rice,” ang nakasaad sa  Executive Order No. 39.

 

 

Para sa buwan ng Setyembre,  sinabi ni Sebastian na iniulat ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) na ang bulto ng  2.3 MMT na ani ay manggagaling mula sa:

 

 

Isabela (419,000+ MT), Cagayan (172,000+ MT), Iloilo (148,000+ MT), Nueva Ecija (137,000+ MT), North Cotabato (95,000+ MT), Leyte (91,000+ MT), Oriental Mindoro (77,000+ MT), Camarines Sur (76,000+ MT), Palawan (73,000+ MT), Bukidnon (61,000+ MT), Zamboanga del Sur (55,000+ MT), at Davao del Norte (52,000+ MT)

 

 

Tinatantya na  2.9-MMT na palay ang maaani, habang inaasahan naman na magmumula ito sa mga lalawigan gaya ng:

 

 

Nueva Ecija (440,000+ MT), Pangasinan (258,000+ MT), Tarlac (172,000+ MT), Isabela (163,000+ MT), Occidental Mindoro (153,000+ MT), Cagayan (151,000+ MT), Oriental Mindoro (110,000+ MT), Palawan (90,000+ MT), Bulacan (74,000+ MT), Iloilo (74,000+ MT), Bukidnon (69,000+ MT), Agusan del Sur (61,000+ MT), Ilocos Sur (59,000+ MT), Leyte (55,000+ MT), at Camarines Sur (53,000+ MT) sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre.

 

 

Sa panahon ng  2023-2024 dry season, winika ni Sebastian na ang DA,  sa ilalim ng Masagana Rice Industry Development Program ni Pangulong Marcos,  ay patuloy na magbibigay sa mga clustered rice farmers ng kinakailangan ng mga ito na  “high-yielding seeds, fertilizers, biofertilizers, soil ameliorants, farm machinery, and extension, financial, at marketing support.

 

 

“Initially, we will focus on fully irrigated clustered farms to optimize palay yield, where farmers would plant high-yielding hybrid rice varieties, to at least one million hectares (ha), and we expect them to produce an average of six to eight MT per hectare, for a total of 6 to 8 MMT,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Sinovac, unang gagamitin ng Pinas sa vaccination program nito

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na ang bakunang gawa ng China na Sinovac ang unang bakuna na gagamitin ng Pilipinas sa vaccination program nito.   “Yes, I can confirm. It looks like Sinovac will be the first vaccine that we will used in our vaccination program,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Ito’y sa kabila ng […]

  • Nakapag-recharge sa bakasyon sa Japan; CARLA, naging stress-reliever ang mag-yoga

    PROUD si Patricia Javier sa kanyang 16-year old son na si Robert Douglas Walcher IV dahil ito ang mag-represent ng ating bansa sa Mister Teen International 2023 pageant na magaganap sa Thailand on June 1.     Noong May 28 ay sinamahan ni Patricia si Robert sa paglipad nito sa Thailand. Bilang mother ay gustong […]

  • Gordon, bahag ang buntot na maging paksa nang pagsisiyasat ng COA ang PRC

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na takot si Senador Richard Gordon na maging paksa ang Philippine Red Cross (PRC) nang pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA).   Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee ukol sa P8-bilyong halaga ng pandemic supply na binili […]