• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez: Malasakit ni PBBM sa magsasaka, mamimili nakita sa utos nito sa NFA na bumili ng palay sa mataas na presyo

ANG UTOS umano ni Pangulong Marcos sa National Food Authority na mamili ng palay sa mataas na presyo ay makatutulong sa mga magsasaka at sa pagpapanatili ng presyo ng bigas, ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

“This shows the malasakit our President has towards our farmers who have been working very hard for us to achieve food security. We should always take care of them,” saad ng lider ng Kamara.

 

 

Itinakda ng National Food Authority Council, na pinamumunuan ni Marcos ang bilihan ng tuyong palay sa halagang P19-P23 kada kilo at P16-P19 kada kilo naman para sa basang palay upang matiyak na kikita ang mga magsasaka.

 

 

Ayon kay Romualdez ang hakbang na ito ng gobyerno ay titiyak na kikita ang mga magsasaka ng hindi naaapektuhan ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

 

 

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na handa itong suportahan ang NFA Council at mayroong nakahandang P15 bilyon para sa pagbili ng palay.

 

 

Nanawagan din si Speaker Romualdez ng dagdag na suporta sa mga magsasaka upang maparami ng mga ito ang kanilang produksyon at hindi na kailanganin pang mag-angkat ng bigas ang bansa.

 

 

Ipinunto ni Speaker Romualdez na ang mga dayuhang magsasaka ang kumikita kapag nag-aangkat ng bigas ang bansa na nagpapahirap naman sa mga pagsasaka.

 

 

Kung kakailanganin man umanong mag-angkat ng bigas ng bansa, sinabi ni Speaker Romualdez na mahalagang masiguro na mayroong mga safety net gaya ng pagbili ng palay sa magandang presyo upang malimitahan ang epekto nito sa mga magsasaka.

 

 

Iginiit din ni Speaker Romualdez na kung sapat ang suplay, mas makatitiyak ang mga konsumer na hindi tataas ang presyo nito at kikita ang mga magsasaka. (Ara Romero)

Other News
  • Gobyerno uutang ng P1.6 trilyong pandagdag sa 2023 budget

    UUTANG ng P1.6 trilyon ang gobyerno para mabuo ang panukalang P5.268 trilyon na pambansang budget sa susunod na taon.     Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance matapos tanungin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kung paano popondohan ang panukalang budget para sa 2023.     Ayon kay […]

  • Ads June 25, 2022

  • Rider todas, angkas kritikal sa hit and run ng trailer truck

    NASAWI ang isang rider habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang angkas matapos ma hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Cristopher Endrac, 22, ridge sling man ng TBSCY Container Yard, at residente […]