Thankful na naimbita na maging host ng show: GLAIZA, inaming aware sila sa mga isyu kaya mas nagiging maingat
- Published on September 22, 2023
- by @peoplesbalita
THANKFUL si Kapuso actress Glaiza de Castro, na naimbita siyang maging isa sa mga hosts ng noontime show na “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. na napapanood sa GMA-7, Mondays to Saturdays.
Ini-enjoy daw niya ang mga ginagawa nila sa show with her co-hosts.
“Thankful ako, kasi akala ko, mga isa, o dalawang araw lamang ako sa show, pero tinatawagan na nila ako sa mga sumunod na linggo, hanggang sa naging regular na akong tinatawagan,” kuwento ni Glaiza.
“Then naging part na ako ng EB Happy Cup, then naging EB Happy na.”
Aware daw si Glaiza sa mga bashings tungkol sa show, pero kahit anong kanegahan, hindi raw nila pinapansin, dahil ang goal nila magbigay ng saya sa mga manonood dahil live sila araw-araw.
“Ang saya kaya sa loob ng studio, kaya iba rin ang energy na makipag-interact ka sa audience. Pwede kang magkamali, okey lamang kung mag-buckle kapag nagsasalita kami.
“Ang sarap din, kasi araw-araw kang tumatawa, araw-araw kang may naibibigay na saya at tulong din sa mga manonood sa loob at labas ng studio. Masaya kang uuwi pagkatapos ng show. Actually parang kulang pa nga ang oras ng show para magbigay ng saya sa mga manonood.
Alam din nina Glaiza ang issue sa pagpapataw ng MTRCB ng 12-day suspension sa “It’s Showtime” dahil sa ilang violations daw ng show.
“Sa amin po sa ‘Eat Bulaga,’ meron kaming pinirmahang agreement na mag-ingat sa mga sinasabi namin kapag nagho-host kami. Nakalagay lang po doon na careful lang kami dapat kung anuman ang aming sasabihin. Responsibility po namin iyon bilang host na maging maingat kasi, may mga batang nanonood sa show.”
***
IPINAKITA na sa ‘Chika Minute’ ng “24 Oras” na magsisimula na ang bagong teleserye ng GMA-7 na “Shining Inheritance,” isang adaptation of a Korean drama, na pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara at Michael Sager.
May interview na rin kina Kate at Kyline, sa ginanap na story conference, at doon ikinuwento ni Kyline na siya ang gaganap na kontrabida sa kanila ni Kate sa serye. May pagka-gray daw ang kanyang character.
“Dito po ay may agam-agam ako kung kaya ko bang gampanan ang role,” wika ni Kyline. “Parang hindi ko po sure na kaya kong gampanan ang character ko. Noong araw po kasi, sa kontrabida roles ako unang nakilala, nang bago pa lamang akong nagsisimula, pero yung mga sumunod kong roles, bida na po ako, kaya ngayon pag-aaralan ko muli ang maging kontrabida.”
Kabaligtaran nga raw naman ngayon si Kate Valdez, na unang nakilala sa kontrabida roles, dito sa “Shining Inheritance” ay napakabait naman ng character niya.
Big break naman ito kay Sparkle actor na si Michael Sager ang serye, na sunud-sunod din ang mga seryeng ginagawa nito ngayon. Napapanood siya ngayon sa top-rating GMA Afternoon Prime na “Abot-Kamay na Pangarap” as one of the suitors ni Dr. Analyn Santos (Jillian Ward) at regularly rin siyang napapanood sa “Eat Bulaga” dahil maganda rin ang singing voice niya.
Kasama rin sa cast sina Paul Salas, Glydel Mercado at si Ms. Coney Reyes,na gaganap sa isang napaka-importanteng role sa serye.
(NORA V. CALDERON)
-
LRT 1 walang operasyon sa Dec. 3 – 4
SUSPENDIDO muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 simula sa Dec.3 hanggang Dec. 4 upang bigyang daan ang reintegration ng istasyon sa Roosevelt sa buong linya. Ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang nagbigay ng anunsiyo ng suspensyon ng operasyon. “LRT 2 has to be closed for two days […]
-
Ex-DBM procurement head ‘susi’ sa overpriced face mask, face shield
Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang nagbitiw na si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao na isiwalat ang mga nalalaman sa overpriced na face mask at face shield na binili ng Department of Health sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management. Naniniwala si Drilon na si […]
-
Sen. Ping Lacson, kumalas na sa Partido Reporma, Robredo na ang susuportahan sa pagkapangulo
NAG-ANUNSYO na ng kanyang pagbibitiw mula sa Partido Reporma ang presidential candidate na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson, kahapon, Huwebes. Nangangahulugan ito na magiging independent candidate na lamang siya. Pero tuloy pa rin umano ang pagtakbo nito para sa presidential race sa darating na Mayo 9, 2022. Si Lacson, […]