18 sa 20 LEDAC bills aprub na sa Kamara
- Published on September 22, 2023
- by @peoplesbalita
INIULAT ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naaprubahan na ng Kamara ang 18 sa 20 panukala na prayoridad na maipasa ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ayon kay Romualdez, mas maaga ng tatlong buwan sa deadline natapos ng Kamara ang mga panukala na tinukoy na bibigyang prayoridad na maisabatas sa pagpupulong ng LEDAC noong Hulyo 5.
Iprinesinta ni Romualdez, ang ulat nito kaugnay ng mga naipasang panukala sa isang pagpupulong sa Malacañang umaga ng Miyerkules, Setyembre 20.
Ang mga LEDAC priority bills na naipasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ay ang:
- Amyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT)/Public-Private Partnership (PPP) Act,
- National Disease Prevention Management Authority/Center for Disease Control and Prevention,
- Internet Transaction Act/ E-Commerce Law,
- Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART) Act,
- Virology Institute of the Philippines,
- National Citizens Service Training (NCST) Program,
- Valuation Reform Bill (Package 3),
- E-Governance Act/ E-Government Act,
- Ease of Paying Taxes,
- Waste-to-Energy Bill,
- New Philippine Passport Act,
- Magna Carta of Seafarers,
- Rightsizing the National Government,
- Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), at
- Amendment to the Bank Secrecy Law.
Ang Trabaho Para sa Bayan (National Employment Recovery Strategy) ay naipadala na sa Malacañang para sa lagda ng Pangulo samantalang ang Automatic Income Classification Act for Local Government Units ay isusumite na rin sa Palasyo.
Ang Philippine Salt Industry Development Act ay nakasalang na sa bicameral conference committee.
Ang dalawang nalalabi na kailangang ipasa ng Kamara—ang HB 8969,o ang Military and Uniformed Personnel Pension System Act, ay naaprubahan na sa ikalawang pagbasa noong Martes at isasalang sa botohan sa susunod na linggo.
Inaprubahan naman ng Committee on Agriculture and Food ang panukala na mag-aamyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act at isasalang sa plenaryo ng Kamara bago matapos ang linggo.
Iniulat din ni Romualdez na nakasalang na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang P5.768 trilyong budget para sa susunod na taon.
Samantala, sinabi ni Speaker na naaprubahan na ng Kamara ang pito sa 17 panukala na binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).
Ang dalawa ay nakasalang na sa ikalawang pagbasa samantalang ang nalalabing walo ay nakasalang naman sa iba’t ibang komite.
Sa pito na natapos na ng Kamara, ang isa– Automatic Income Classification Act for Local Government Units ay naratipika na.
Ang anim na iba pang naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ay ang Excise Tax on Single-Use Plastics, VAT on Digital Services, amyenda sa Fisheries Code, Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA), Ease of Paying Taxes, at Philippine Immigration Act.
Noong Martes ay inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ang Unified System of Separation, Retirement, Pension for Military and Uniformed Personnel (MUP) at ang Rationalization of Mining Fiscal Regime.
Ang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act na inaprubahan na ng Agriculture and Food committee ngayong Miyerkoles ay inaasahang isasalang naman sa plenaryo.
Ang nalalabing panukala na nakasalang sa mga komite ay ang:
– Department of Water Resources and Services and Creation of Water Regulatory Commission,
– Motor Vehicle User’s Charge/Road User’s Tax,
– Tatak-Pinoy (Proudly Filipino) Act,
– Blue Economy Law
– New Government Procurement Law,
– Amyenda sa Cooperative Code, at
– New Government Auditing Code.
Sinabi ni Romualdez na noong nakaraang taon ay naproseso ng Kamara ang 1,150 panukala at resolusyon at naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang 173 panukala. (Ara Romero)
-
NO CONTACT APPREHENSION at si MODEL na NANAKIT ng ENFORCER
Umani ng napakaraming batikos at bashing mula sa netizens ang babaeng modelo na nahuli na “beating the red light” at nanakit ng enforcer. Napagalaman pa diumano na drug courier ang babae at wala talagang rason para saktan niya ang enforcer at pagbantaan pa. Ganitong mga klaseng sitwasyon ang ilan sa nais masolusyunan ng […]
-
PNR may mga bagong train
Dumating mula Indonesia ang mga bagong train sets ng Philippine National Railways (PNR) na siyang kahuling batch sa ilalim ng fleet modernization program ng PNR. Natangap ng PNR ang mga bagong train sets na may 15 passenger coaches at tatlong (3) locomotives sa ilalim ng refleeting strategy. Kumpleto na ang delivery ng lahat […]
-
Makakasama sina Gabbi, Sanya at Kylie: SUNSHINE, balik-Kapuso na after ng isang project sa Kapamilya network
MATAPOS ipaghanda at imbitahan ni Bea Alonzo sa isang merienda-dinner para sa kanilang Aeta neighbors sa Beati Farm sa Iba, Zambales, pinaratangan pa siya ng isang netizen na may Twitter account na @ALOyoutoo. Inagaw raw niya ang lupa na pag-aari ng mga katutubo at tweet nito, “That’s nice, now how about giving their […]