• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez pinakakasuhan na sa BOC ang mga smuggler

PINAKAKASUHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Bureau of Customs (BoC) ang mga rice smuggler, kasama ang kanilang mga kasabwat sa pagpuslit ng libu-libong sako ng bigas na iligal na ipinasok sa mga pantalan sa Mindanao.

 

 

Ginawa ni Speaker Romualdez ang apela kasabay ng paghahayag ito ng suporta sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipamigay ang mga nasabat na smuggled na bigas sa libong residente ng Zamboanga peninsula.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos kasama ang ilan pang opisyal ng gobyerno sa pamimigay ng bigas noong Martes.

 

 

Ipinunto ni Speaker Romualdez na hangga’t hindi naparurusahan o nakukulong ang mga nasa likod ng smuggling ay magpapatuloy ang iligal na gawain ng mga ito kahit pa nakumpiska ng gobyerno ang kanilang mga naipuslit.

 

 

Bilang kinatawan ng publiko, sinabi ni Speaker Romualdez na trabaho ng mga mambabatas na tiyakin na mayroong sapat na suplay ng kanilang pangunahing pangangailangan na abot-kaya ang halaga. (Ara Romero)

Other News
  • Guce babawi sa Symetra

    TIYAK na reresbak si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic sa Abril 16-19 sa Sewailo Golf Club sa Tucson, Arizona.     Sumablay sa cut ang 30 taong-gulang, isinilang na Pinay na nakabase sa Estados Unidos at nasa ikaanim niyang taon sa Symetra, […]

  • Priority bills ng administrasyong Marcos, nasa 23 na —PLLO chief

    TINATAYANG nasa 23 na ang priority bills ng administrasyong Marcos.     Matatandaang unang inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng kanyang mga priority bills sa kanyang State of the Nation Address.     “As of today your honor, we have 23 (priority) measures,”   ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro […]

  • COA, binakbakan ni PDu30 sa kanyang Talk to the People

    BINAKBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) dahil biglang pagpasok sa “giyera” sa pagitan ng virus at government’s vaccine sa pamamagitan ng pagpapalutang ng audit observation nito na may natuklasang ilang mali sa pamamalakad ng COVID-19 funds ng DOH.   Bagaman hindi pa naman masasabing anomalya ang COA Audit Observation ay […]