• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila mayors muling iginiit ang pagkontra sa bawas-distansya ng mga pasahero

Muli na namang ipinaabot ng 17 mga mayors sa Metro Manila ang hindi nila pagsang-ayon sa panukalang pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

 

Ayon kay Metro Manila Council chairman at Mayor Edwin Olivarez, dapat dagdagan na lamang ng Department of Transportation ang mga sasakyang pumapasada lalo na ang mga tradisyunal na mga pampasaherong jeep.

 

Kapag nangyari ito, aniya malaking tulong ito sa mga tsuper na natigil sa pamamasada dahil sa coronavirus pandemic.

 

Dagdag pa nito, hindi pa napapanahon na magbawas ng distansiya dahil andiyan pa ang pangamba ng nasabing coronavirus.

 

Magkakaroon lamang ng kalituhan din sa mga tao dahil kapag nasa pampublikong lugar ay dapat panatilihin ang isang metro na layo habang kapag nasa loob ng pampublikong sasakyan ay mababawasan ang distansya ng bawat isa.

 

Ibinunyag pa nito na hindi sila nakonsulta ng DOTR nang ilabas ang nasabing kautusan sa pagbabawas ng distancing sa mga pampublikong sasakyan.

 

Nauna rito nagkaroon ng magkasalungat na paniniwala sina Department of Health Secretary Francisco Duque III at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano sa nasabing usapin kung saan pagdidisisyunan ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing kontrobersiyal na isyu

Other News
  • Pangunguna ni VP Leni sa isang Presidential survey para sa 2022 elections, wishful thinking lang-Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, wishful thinking lang ang lumabas sa isang presidential survey para sa 2022  elections kung saan nanguna si Vice President Leni Robredo.   Batay kasi sa PiliPinas 2022 Online Survey Platform for Presidential Candidates, nanguna si Robredo makaraang makakuha ng 34.27 percent na boto, pangalawa si Davao City Mayor Sara Duterte na may […]

  • Protocols, ‘di nasunod ng mga pulis sa drug war ops sa Phl – DoJ

    Aminado si Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi raw nasunod ng ilang pulis ang operations sa kanilang isinasagawang drug operations kaugnay pa rin ng kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.     Sa report ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UNHRC), marami umong “nanlaban” cases ay hindi dumaan […]

  • Bilang ng Pinoy na nakaranas ng gutom, bumaba – SWS

    BUMABA  ang bilang ng pamilyang Pinoy na nakakaranas ng gutom sa bansa sa ikalawang bahagi ng taong 2022.     Batay sa ulat ng Social Weather Stations (SWS), mula sa dating 3.1 milyon noong 1st quarter ng 2022 ay na­ging 2.9 milyong Pinoy na lang ang nakakaranas ng involuntary hunger o hindi nakakakain ng kahit […]