PBBM, ipinag-uutos ang pamamahagi ng tulong sa mga sari-sari stores na apektado ng rice price cap
- Published on September 26, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mamahagi ng cash assistance para sa mga sari-sari store owners na apektado ng price ceiling sa bigas.
Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ng DSWD na mamamahagi ito ng cash assistance mula Setyembre 25 hanggang 29.
Nakipag-ugnayan na ang DSWD sa Department of Trade and Industry (DTI) para i-identify ang mga benepisaryo.
Inatasan din ni Pangulong Marcos ang DSWD na magbigay ng cash assistance sa mga maliliit na rice retailers na apektado ng mandatong price ceiling sa regular at well-milled rice.
Nauna rito, inaprubahan ng Pangulo ang pagpapatupad ng mandatong P41 price ceiling sa regular milled at P45 price cap sa well-milled rice sa pamamagitan ng Executive Order No. 39.
Samantala, base sa pinakabagong report ng DSWD, nagpalabas na ito ng P92.415 million na financial assistance 6,161 mula sa 8,390-target micro at small rice retailers na apektado ng implementasyon ng EO 39. (Daris Jose)
-
Overwhelmed sa mga papuring natatanggap: JAKE, sobrang tapang kaya ‘di matatawaran ang pagiging aktor
HINDI talaga matatawaran ang pagiging isang ‘actor’ ng isang Jake Cuenca. Talagang siya ‘yung tipo ng artista na napaka-seryoso sa kanyang propesyon. Never na nagpa-petiks-petiks. Bukod dito, siya rin ang actor sa mga kasabayan na lang niya na napakatapang. Kung tinatanggihan ng iba, si Jake, niyayakap niya ang mga roles na […]
-
‘I’m 100 percent sure, Pacquiao cannot knock me out’ – Ugas
Nagyabang ang Cuban WBA welterweight champion na si Yordenis Ugas na hindi siya kayang patumbahin lalo na ng Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao. Ayon kay Ugas, 35, matagal na panahon na siyang pinanday sa pagboboksing lalo na noong siya ay nasa amateur boxing pa lamang. Ginawa ni Ugas ang […]
-
Petisyon laban sa kandidatura ni Presumptive President Marcos, naihain na sa SC
NAKARATING na sa Supreme Court (SC) ang petisyon para ipakansela ang certificate of candidacy (CoC) ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Humirit din ang mga petitioners sa Supreme Court (SC) na mag-isyu ang kataas-taasang hukuman ng temporary restraining order (TRO) para harangin ang pagbibilang ng mga boto at ang proklamasyon kapag ito […]