• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: 8,764 healthcare workers infected; 58 patay sa COVID-19

Aabot na sa 8,764 ang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

 

Batay sa data ng ahensya, as of September 16, mayroon nang 8,068 na ang gumaling at 58 ang namatay na, mula sa nasabing total.

 

Ang mga active cases o nagpapagaling pang infected medical frontliners ay nasa 638, na binubuo ng 56% na mga mild, 39.3% na mga asymptomatic, 3.1% severe, at 1.6% na nasa kritikal ang kondisyon.

 

Ayon sa World Health Organization (WHO), isa mula sa pitong kaso ng COVID-19 na inire-report sa kanila ang healthcare worker.

 

“Globally around 14% of COVID cases reported to the WHO are among health workers and in some countries it’s as much as 35%,” ani Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director general ng WHO.

 

Kaya naman apela ng international organization sa mga estado, palakasin ang kanilang mga polisiya na nagbibigay ng proteksyon sa mga healthcare workers, lalo na sa usapin ng mental health.

 

Hindi rin umano dapat mawalan ng access sa mga personal protective equipment at training ang medical frontliners para matiyak ang kanilang kaligtasan sa trabaho.

 

“We all owe health workers an enormous debt, not just because they have cared for the sick, but because they risk their own lives in the line of duty.”

 

Nababahala ang WHO, dahil lumabas sa kanilang hiwalay na pag-aaral na isa mula sa apat na healthcare workers ang nakakaranas ng anxiety at depression. Habang isa mula sa tatlong healthcare workers ang may insomnia.

 

Ayon kay Ghebreyesus, may obligasyon ang bawat pamahalaan na siguruhing ligtas at maayos ang lagay ng kanilang mga health workers.

 

Una nang sinabi ng Health department ng Pilipinas na mas maraming benepisyo na ang aasahan ng healthcare workers sa ilalim ng pinirmahan na Bayanihan to Recover as One Act.

Other News
  • Covid-19 vaccine ng Astrazeneca, hindi pa maaring tanggapin at ipamahagi ng covax facility

    IPINALIWANAG Health Usec. Maria Rosario Vergeirre kung bakit kailangan pa ring hintayin ng Astrazeneca ang Emergency USe LIst O eul na mula sa world health organization (WHO) bago ito ng COVAX facility.   Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Vergeirre na isa sa mga ginagawang basehan o kondisyon ng covax facility para kanilang tanggapin ang […]

  • Queen Bees and Wannabes: ‘Mean Girls’ Hits PH Cinemas

    Catch the latest buzz as ‘Mean Girls’, a fresh take on high school drama by Tina Fey, debuts in Philippine cinemas on February 7.  Join Cady Heron and the iconic Plastics in this must-see comedy. High school is a world of its own, filled with cliques, drama, and unforgettable moments. On February 7, Philippine cinemas […]

  • Herd immunity sa Metro Manila, kayang makuha kapag umabot na sa 5 milyon ang nabakunahan

    KAILANGANG umabot sa limang milyong mga bakunadong taga- Metro Manila para makuha ang inaasam – asam na herd immunity sa NCR.   Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez na base sa kanilang pag- uusap nina MMDA Chairman Benhur Abalos ay nakikita nilang magkakaroon na ng containment sa NCR kapag naabot ang 5 million individual […]