• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

98K benepisaryo, nakakuha ng P221-M AICS sa ‘Bagong Pilipinas’ caravan

INIULAT ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namahagi ito ng P221.06 milyong piso sa 98,092 benepisaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito sa idsinagawang pag-arangkada  ng Bagong Pilipinas service caravan sa apat na lalawigan nito lamang  weekend. 
Ang  98,092  benepisaryo ng AICS  ay bahagi ng  322,689 benepisaryong nakarehistro sa portal  ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” (BPSF) sa isinagawang sabay-sabay na pag-arangkada sa  Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte at Davao de Oro nito lamang Setyembre 23 hanggang 24, 2023.
Sa naging pag-uulat ni Assistant Secretary Ada Colico ng Statutory Programs sa ilalim ng  Operations Group kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sinabi nito na nakapagtala ang Leyte ng pinakamataas na bilang ng AICS clients  na may 48,018, sinundan ng Ilocos Norte na may 26,353; Camarines Sur na may 12,264; at Davao de Oro na may 11,457.
Sa kabuuang halaga na naipamahagi,  ang mga benepisaryo mula sa Leyte  ay nakakuha ng P97.91 million; Ilocos Norte, P77.84 million; Camarines Sur, P24.53 million; at Davao de Oro, P20.78 million.
“The Bagong Pilipinas caravan is the country’s biggest service caravan aimed at providing major government services to less fortunate Filipinos in various communities across the country,” ang sinabi ni Gatchalian sa isang kalatas.
Tinuran nito na ang tagumpay ng paglulunsad ng  BPSF noong nakaraang Sabado ang nag-udyok sa mga nag-organisa na palawigin ang ilang programa mula sa orihinal na  two-day event, nakapanghikayat ng mas higit pa sa 300,000 benepisaryo sa buong bansa.
Inilunsad ang caravan kung saan itinampok ang  “Kadiwa ng Pangulo,” naglalayong paghusayin ang  access sa abot-kayang halaga ng pagkain at iba pang bilihin, “Passport on Wheels,” driver’s license registration at assistance, national identification, Pag-IBIG Fund, at National Bureau of Investigation at police clearance applications.
Tiniyak naman ni Gatchalian  na dadalhin ng administrasyong Marcos ang Bagong Pilipinas service caravan sa lahat ng 82 lalawigan sa bansa matapos ang matagumpay na paglulunsad nito. (Daris Jose)
Other News
  • ‘Back-riding’ para sa mga couple, pinayagan na

    Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na ang back-riding sa mga motorsiklo ay pinapayagan na simula ngayong araw, Biyernes, July 10 ngunit para lamang sa mga couple.   “Yes, simula July 10 ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na […]

  • DBM, nagbabala sa publiko laban sa mga fixers, scammers

    PINAG-IINGAT ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko laban sa mga  fixers at scammers na nag-aalok ng tulong kapalit ng pera.     Ang payo ng DBM sa publiko ay iwasan na makipag-transaksyon sa “unscrupulous individuals” na nangangako na pabibiliisn ang trannsaksyon sa ahensiya.     “The department would like to emphasize that […]

  • Quezon City at DTI kapit-bisig sa pagpapabilis sa proseso ng business permit

    LUMAGDA sa isang memorandum of agreement ang  Quezon City government at Department of Trade and Industry (DTI) upang maisama ang Business Name Registration System (BNRS) ng DTI sa QC’s Online Business Permit Application System (OBPAS) para sa mas mabilis na proseso ng business permit sa lungsod.     Ang kasunduan para sa integration ay nilag­daan […]