• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nadagdagan na naman ang list ng international celebrities: HEART, naka-rubbing elbow ang asawa ni JUSTIN na si HAILEY BIEBER

MAY nadagdag na naman sa listahan ng international celebrities na naka-rubbing elbows o nakilala nang personal ni Heart Evangelista.

 

 

Kung sa mga nakaraang global trips ni Heart ay nakilala na niya ang cast ng ‘Emily In Paris’ led by Lily Collins, ang mga Korean celebrities na sina Song Hye-kyo, Yugyeom ng GOT7, Ji Chang-wook, Jessica and Krystal Jung at ang sikat na fashion editor ng Vogue na si Anna Wintour, kamakailan ay nakadaupang-palad ni Heart sa Paris, France si Hailey Bieber, ang modelo na misis ng Canadian pop Superstar na si Justin Bieber at anak ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

 

 

Nagtagpo ang dalawa sa YSL Spring/Summer 2024 sa Paris at nakuhanan ng litrato kung saan ang background nila ay ang pamosong Eiffel Tower na incidentally ay narating rin na ng inyong lingkod at ng entertainment editor ng People’s Balita na si Rohn Romulo.

 

 

***

 

 

SA katatapos lamang na pagpirma ng panibagong kontrata sa GMA at Sparkle, hindi kinaligtaan ni Sanya Lopez na pasalamatan ang taong unang-unang sumugal at nagtiwala sa kaya para maging artista, at ito ay walang iba kundi ang Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno.

 

Nagsimula si Sanya noon bilang host ng Walang Tulugan (With The Master Showman).

 

“Umpisa pa lang, alam mo yun, Tay, lalo na nung mga nangangailangan kami.

 

“Wala e, wala kami, siya lang yung unang-unang tumutulong sa amin. Ilang beses pa lang ako sa kanya, siya ‘yung ang bilis niyang tumulong.

 

“Si Tatay yung suporta agad, kung ano ‘yung kailangan ng anak, ibibigay para sa ‘yo,” madamdaming pahayag ni Sanya.

 

“Tay, thank you. Thank you sa lahat ng binigay mo sa akin – tulong, pagkakataon. Dahil sa ‘yo kaya ako nandito ngayon, at wala nang makakabura noon sa akin.

 

“Hanggang sa dulo, matatandaan kong ikaw ‘yun, Tay.

 

“Kung nasaan ka man ngayon, Tay, maraming salamat. Sana patuloy mo kaming proteksyunan, protektahang magkakapatid sa ‘Walang Tulugan’ at sa lahat ng mga inaalagaan mo.

 

“Marami kang naging inspirasyon, at sana ako din, balang araw, maging maganda at malaking inspirasyon para sa lahat.

 

“I love you, Tay.”

 

Maging ang Kuya ni Sanya, ang hunk actor na si Jak Roberto ay natulungan rin ni Kuya Germs upang abutin nito ang pangarap na sumikat.

 

***

 

SI Arlene Cris Damot na kaya ang kauna-unahang Pilipina na makakapag-uwi ng korona bilang Mrs. Universe 2023?

 

Gaganapin ang coronation night ng 46th Mrs. Universe beauty pageant dito sa Pilipinas sa October 8 sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts Manila sa Pasay City, ni minsan ay never pang nagwagi ang Pilipinas sa nabanggit na beauty pageant.

 

Natanong si Arlene kung ano ang kanyang advocacy…

 

“My advocacy is violence against women.

 

“I have an aesthetic clinic, actually…first and foremost, mostly in Royal Aesthetics 99% is women talaga yung nagtatrabaho, so I made sure na it’s a safe place for women, so we don’t tolerate any kind of harassment or violence.”

 

Si Arlene ang owner at CEO ng Royal Aesthetics Clinic.

 

“Five years na po, we have a clinic in Multinational Village in Paranaque, then in Bacoor, Cavite, SM Imus, SM North, SM Las Pinas and SM Baliuag, Bulacan, 6 branches po.”

 

May Professional Certificate in Advanced Aesthetics si Arlene mula sa prestihiyosong EIU sa Paris, France at isang Medical Aesthetics Certified ng International Academy of Aesthetics Sciences.

 

Aktibong member si Arlene ng Association of Dermatology & Aesthetic Nurses of the Philippines, isang true professional si Arlene sa Advance Aesthetics na certified ng European International University sa Paris at kasalukuyang tinatapos ang kanyang Doctor of Medicine degree.

 

Sino ang role model ni Arlene?

 

“My mother. Yung mother ko kasi is very hardworking, talagang the love and support na binigay niya sa akin, so she is my role model.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • 460,000 Overseas Filipino, napauwi na ng DFA dahil sa Covid-19 simula 2020

    MAHIGIT 460,000 Overseas Filipino ang napauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pilipinas.     Ang mga pinauwing OFWs ay mula sa iba’t ibang bansa. Nagsimula ang Pilipinas na ibalik ang mga distressed Filipino simula noong 2020.     Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, pumalo na […]

  • First time niyang makatrabaho sa ‘Start-Up PH’: YASMIEN, inakalang seryosong tao si ALDEN kaya ‘di in-expect ang pagiging bubbly

    KINUWENTO ni Zoren Legaspi na kakaiba ang naging bond ng buong cast and crew ng ‘Apoy Sa Langit’ sa kanilang direktor na si Laurice Guillen.     Bihira raw kasi si Direk Laurice na mag-open up sa mga nakakatrabaho niya sa anumang proyekto, pero iba raw ang naramdaman nito sa cast and crew ng ‘Apoy […]

  • Tako ni Reyes, tutumbok pa

    MAGPAPATULOY pa rin sa pagsargo.   Ito ang tiniyak ni billiards icon Efren ‘Bata’ Reyes dahil na kahit 65 taong-gulang na ay hangad pa ring makapagbigay ng karangalan para sa bansa o mga Pinoy.   Ginawa ng The Magician ang pahayag pagkagawad sa kanya ng Lifetime Achievement Award sa katatapos na SMC-Philippine Sportswriters Association Awards […]