• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, umangat sa ikawalong pwesto bilang Most Competitive Province

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang patunay sa pagsisikap nito tungo sa pag-unlad at dedikasyon sa mabuting pamamahala, umangat ang Lalawigan ng Bulacan sa ikawalong pwesto bilang isa sa Most Competitive Province sa 2023 Philippine Competitiveness Ranking na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang 10th Cities and Municipalities Competitive Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kamakailan.

 

 

Sa 1,634 na kalahok na mga pamahalaang lokal, may kabuuang 103 na mga lungsod, munisipalidad at lalawigan ang ginawaran ng top rankings para sa iba’t ibang kategorya kung saan ang Bulacan ang tanging lalawigan sa Gitnang Luzon na nakakuha ng puwesto sa Top 10 Most Competitive Province.

 

 

Bukod pa rito, humakot din ng mga parangal ang Lungsod ng Baliwag kabilang na ang ikatlong puwesto para sa Overall Most Competitive na 1st to 2nd Class Municiplaities, Top 5 sa Infrastructure, Top 6 sa Innovation at Top 8 sa Resiliency habang nakamit ng Munisipalidad ng Santa Maria ang Top 4 sa Infrastructure at Top 6 sa Economic Dynamism; Munisipalidad ng Marilao bilang Top 6 sa Economic Dynamism, Munisipalidad ng Angat sa Top 7 ng Most Improved 1st to 2nd Class Municipality; at Lungsod ng Meycauayan bilang Top 3 sa Special Award, Top Intellectual Property Filer.

 

 

Samantala, binigyang-diin naman ni Kalihim Alfredo E. Pascual ng DTI ang mga gampanin ng bawat lokal na pamahalaan sa pangkalahatang pag-unlad at katatagan ng bansa.

 

 

“Our cities and communities are the bedrock of our society. It is where on which bedrock, we build the Philippines. They’re the living, breathing embodiments of our competitive spirit, culture and aspirations. Ensuring their flourishing progress in a world in flux is not just a goal; it is a shared duty that binds us all,” pahayag ni Kalihim Pascual.

 

 

Sa kanyang mensahe, nangako si Gob. Daniel R. Fernando na lalo pang magsusumikap para sa kahusayan ng lalawigan.

 

 

“Habang patuloy na umuunlad at yumayabong ang Bulacan, handa itong tumanggap pa ng mga mamumuhunan, lumikha ng mga trabaho, at magbigay ng mas mataas na kalidad na pamumuhay sa mga residente nito. Sa malinaw nitong bisyon para sa hinaharap at matibay na mga komunidad, ang Bulacan ay nakatakdang umangat pa sa darating na panahon, patunay na isa ito sa most competitive at progresibong lalawigan sa Pilipinas,” ani Fernando.

 

 

Ang Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay isang taunang pagraranggo sa mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas na binuo ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) upang higit pang palakasin ang local competitiveness batay sa Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation.

Other News
  • Ads December 12, 2023

  • Orbon namemeligro sa WOQT

    MABIGAT ang kinakaharap ni Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSPFI) president Richard ‘Ricky’ Lim sa pagparito mula Estados Unidos ni Filipina-American Joan Orbon upang sumama sa national karate team sa Philippine Sports Commission (PSC) bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna.   Dahilan ito sa napakahigpit na Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) health […]

  • NASYUNAL AT LOKAL MAGTULUNGAN SA PAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY

    DAPAT magtulungan ang national at local  government units  upang  mapalakas ang pagbibigay ng hanapbuhay  at mabigyan ng kaalaman ang mga manggagagawa.     Sinabi  ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III  nang pangunahan nito ang pagpapasinaya ng Bulacan Public Employment  Service Office (PESO) building sa Malolos, Bulacan.     Pinasalamatan naman ng kalihim  si  Bulacan  […]