• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangalanan ang mga rice smugglers; nangako na hahabulin ang mga rice price manipulators

UPANG ipakita ang kanyang malakas  na  “political will” na tapusin ang rice smuggling sa Pilipinas, isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, ang mga pangalan ng mga  rice smugglers  na sumisira sa takbo ng ‘rice supply and demand’ sa merkado.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng bigas sa Taguig City, sinabi ng Pangulo na naghain na ng smuggling charges  ang gobyerno laban sa San Pedro Warehouse and Blue Sakura AgriGrains Corporation, FS. Ostia Rice Mill at  Gold Rush Rice Mill.

 

 

Ang mga  rice smugglers ayon sa Pangulo ay sinampahan ng paglabag sa  Customs Modernization and Tariff Act, Rice Tariffication Law, at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (Republic Act No. 10845).

 

 

“Kaya po ay ngayon ay kinasuhan na natin ang San Pedro Warehouse and Blue Sakura Agri Grain Corporation, ang F.S. Ostia Rice Mill, [at] ang Gold Rush Rice Mill ay kasalukuyang haharap sa patong-patong na mga kaso dahil sa kanilang mga ginagawa,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Bagong Pilipinas na po tayo ngayon, at atin pong susugpuin ang mga hindi po lumalaban nang patas. Wala pong puwang sa lipunan ang mga nanlalamang at nang-aapi sa kapwa,”  aniya pa rin.

 

 

Ang pahayag na ito ng  Pangulo ay binanggit niya sa pamamahagi ng bigas sa Taguig City University Gymnasium, General Santos Avenue, Lower Bicutan sa Taguig City  kung saan tiniyak niya sa mga mamamayang filipino na desidido ang gobyerno sa hakbang nito na tiyakin ang food security sa bansa.

 

 

Sa kabilang dako, ang ipinamahaging bigas sa mga residente ng Taguig ay bahagi ng smuggled rice na nasabat sa isang operasyon ng  Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City.

 

 

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na nais niyang magpaabot ng  “strong warning” laban sa mga  rice smugglers na ang administrasyon ay hindi lamang uupo at walang gagawin para tuldukan ang kanilang ilegal na gawain na labis na nakasasakit hindi lamang  sa ekonomiya kundi maging sa mga mamamayang Filipino.

 

 

“Una, upang mamahagi ng bigas para sa ating mga benepisyaryo. Pangalawa, upang bigyang-diin ang ating  pagsisikap sa pagsulong ng seguridad ng pagkain sa bansa. At ang panghuli ay upang iparating sa inyo na seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo sa smuggling, sa hoarding, at iba pang ilegal na gawaing nakaaapekto sa supply at presyo ng bilihin sa merkado,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Binabalaan ko ang mga sumasabotahe sa ating ekonomiya: Kayong mga smuggler, kayong mga hoarder, at sindikato, tigilan na ninyo ang mga masama ninyong gawain,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Pangulong  Marcos na ang rice smugglers ay kakasuhan ng paglabag sa  Republic Act No. 10845 at Republic Act No. 7581 (Price Act).  (Daris Jose)

Other News
  • Negatibong balita laban sa Sinovac, produkto raw ng pamumulitika ng oposisyon

    PARA sa Malakanyang, produkto lamang ng paninira ng oposisyon ang lumalabas na mga impormasyong pinakamahal ang Sinovac sa anim na brand ng COVID-19 vaccine. Ito ang tinuran ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng sinisimulan ng pag-order ng bansa ng bakuna pangontra sa COVID-19 na kung saan ay inaasahang unang darating ang China made […]

  • SALPUKANG PACQUIAO vs MCGREGOR, ‘TULOY’ NA

    LALONG uminit ang balitang pagsasagupa nina eight-division champion at current WBA welterweight king Manny Pacquiao at MMA fighter Conor McGregor.   Ito’y matapos ihayag ang paglagda ng kontrata ni Pacquiao sa Paradigm Sports Managament, para kumatawan sa Filipino champion sa nalalabing taon ng kanyang karera.   “I am proud to partner with Paradigm Sports Management […]

  • LGUs inalerto sa India variant

    Inalerto ni Infectious Disease expert Dr. Rontgene Solante ang mga lokal na pamahalaan upang paigtingin pa ang pagbabantay at mas mataas na ‘contact tracing’ makaraang umakyat na sa 12 ang kaso ng Indian variant ng COVID-19 sa bansa.     “The only way to prevent further transmission in the community, especially to know where it […]