• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkatapos ng ‘Here Lies Love’ sa Broadway: LEA, kasama sa opening ng ‘Sondheim’s Old Friends’ sa London

MAY bagong pinagkakaabalahan na musical si Lea Salonga pagkatapos ng Here Lies Love on Broadway.

 

 

 

Kasama ang Tony Award-winning Filipino international star sa opening ng “Sondheim’s Old Friends” in London.

 

 

 

Pinost ni Lea via social media ang kanyang excitement na bahagi siya ng show na tatakbo for 16-weeks.

 

 

 

“OPENING NIGHT! To say that I’m living my musical theatre dreams would be an understatement. This show, company, orchestra, crew, and creative and production team are some of the world’s finest, not to mention stellar humans. What a privilege of a lifetime it is to be amongst this fantastic group!” caption pa niya.

 

 

 

Sa mismong official social media account ng Sondheim’s Old Friends, pinost ang ilang photos sa naganap na preview night sa Gielgud Theatre. Naka-post din ang almost five-minute video clip ng rehearsal ng cast, kasama ang solo number ni Lea.

 

 

 

Kasama ni Lea sa musical sina Bonnie Langford, Marley Fenton, Julia McKenzie, Bernadette Peters, Matthew Bourne, Joanna Riding, Jeremy Secomb, Bella Brown, Harry Apps, Christine Allado, Beatrice Penny-Touré, Jason Pennycooke, Gavin Lee, Bradley Jaden and Janie Dee.

 

 

 

Ang mga sikat na musicals na ginawa ni Stephen Sondheim ay ang ‘A Funny Thing Happened on the Way to the Forum’, ‘Company’, ‘Follies’, ‘A Little Night Music’, ‘Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street’, ‘Sunday in the Park with George’, and ‘Into the Woods.’

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • TORCH RELAY POSIBLENG IKANSELA VS COVID-19 OUTBREAK

    PAG-IISIPAN umano ni Organizing committee Director General Toshiro Muto ang pansamantalang pagkansela sa 2020 Tokyo Olympics torch relay na nakatakdang gawin sa Marso.   Nagbunsod ang desisyon na ito matapos manawagan ng Japanese government na kung maaari lamang ay kanselahain ang malalaking gatherings, tulad ng sporting at cultural events o ‘di kaya naman ay ilipat […]

  • PDU30, alam na hindi labag sa batas ang posibleng pagtakbo bilang vice president sa 2022 elections

    HINDI naman lingid sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakasaad sa Saligang Batas partikular na sa kanyang magiging pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections.   Kaya naman ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakatitiyak ang Pangulo na wala itong lalabaging batas sakali mang magdesisyon siyang tumakbo bilang bise presidente Sa 2022 elections.   […]

  • Pagpapasensiya ng mga Pinoy sa WPS dispute, umabot na sa limitasyon- Romualdez

    UMABOT na sa limitasyon ang pagpapasensiya ng mga Filipino sa patuloy na agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Dahil dito, hindi sila basta-basta uupo na lamang at hayaan ang kanilang mga kababayan na magdusa. Sinabi ni Philippine ambassador to the United States (US) Jose Manuel Romualdez na iyon ang dahilan kung bakit sinang-ayunan […]