Morales in, Zagala out bilang Commander ng PSG
- Published on October 20, 2023
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Brig. General Jesus Nelson B. Morales (PAF) bilang Commander ng Presidential Security Group (PSG).
Pinalitan ni Morales sa puwesto si Brig. General Ramon P. Zagala (PA) na nakatakdang umupo para sa kanyang bagong papel bilang Commander ng Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines, ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ni Communication Secretary Cheloy Garafil.
Si Morales ay nagsilbi bilang deputy wing commander ng Tactical Operations Wing Eastern Mindanao ng PAF na nakabase sa Davao City.
Habang si Zagala naman ay nagmula sa pamilya na may pamana ng militar, may tatlong henerasyon mula sa kanyang lolo na si Col. Ramon Zagala, at ama na si Maj. Gen. Rafael Zagala. (Daris Jose)
-
Foreigners bawal na sa NCAA; Kobe Paras umalma
Hindi na umano mababali ang desisyon ng NCAA na ipagbawal ang paglalaro ng mga foreign student-athletes sa lahat ng sports simula sa Season 96. Ito ang nilinaw ni Management Committee chair Fr. Vic Calvo ng host Letran kaugnay sa nabuong desisyon. Agad namang bumuhos ang sentimiyento ng publiko sa social media at sinabing napakalupit ng desisyon at hindi […]
-
Publiko binalaan kontra Powerstar malware
NAKAGAWIAN na ang device linking para sa mga gustong mapadali at mapabilis ang kanilang araw-araw na digital activities. Gayunman, lumabas ang banta ng Powerstar Backdoor Malware na ine-exploit ang teknolohiyang ito. Mga PC (personal computer) operating system ang target ng malware na ito at ini-infect ang linked mobile phones at tables para ma-phish […]
-
PBBM, nababahala sa posibleng service delays kung babawiin ang prangkisa ng NGCP
NAGPAHAYAG ng pangamba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa epekto ng situwasyon ng power supply kung ang prangkisa ng privately owned National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay mapawawalang-bisa. Ayon kay Pangulong Marcos, maaaring mahirapan na makahanap ng kapalit para sa power grid operator, posibleng maging dahilan ng service disruptions. […]