• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaming nagkulang sa paglalambing noon: MATET, ngayon lang na-realize na sana’y mas naging mabuting anak ni NORA

INAMIN ni Matet de Leon na nagkulang siya sa paglambing noon kay Nora Aunor.

 

 

Ngayon lang kasi niya na-realize na sana’y naging mas mabuting anak siya sa kanyang inang Superstar.

 

 

“Siguro po ‘yung ipilit ko ‘yung sarili ko sa kanya. Kasi noong bata po kami, si mommy nga laging busy. So ang dating sa amin pag nasa bahay, gusto niyang magpahinga lang, hindi puwedeng maistorbo.

 

 

“But ang gusto pala ni mommy nilalambing, ang gusto niya kinukulit. So we could have done that more noong bata kami,” pahayag ni Matet. Sana raw ay naglaan sila ng oras na magkakapatid sa kanilang ina. “Siguro mas natanggal namin ang pagod niya kung hinila ko ‘yung mga kapatid ko na ‘Hali ka dali puntahan natin si mommy, i-massage natin.

 

 

“Siguro mas naging buo ‘yung relasyon namin, or mas marami akong naging memories or kami with her when we were younger,” sey ni Matet na napapanood sa GMA teleserye na ‘Love Before Sunrise’.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang dating aktres at TV host na si Jaymee Joaquin sa edad na 44 matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa breast cancer.

 

 

Inanunsyo ito ng kanyang malapit na kaibigan na si Fides VA sa isang Facebook post noong October 18.

 

 

“Our dearest Jaymee Topacio aka Jaymee Joaquin, Jaymee Wins officially became an angel today. You’ve lived the most beautiful life, Jaymee. You will be greatly missed on this planet,” malungkot na balita ni Fides.

 

 

October 2016 nang ma-diagnose na may Stage 2A breast cancer si Jaymee.

 

 

Noong July 2017, masaya nitong ibinalita na cancer-free na siya. Pero noong March 2019, ibinahagi ni Jaymee na muling bumalik ang kanyang cancer.

 

 

Nakilala si Jaymee sa pag-host nito ng ‘Games Update Live’ (2006-2009) at sa mga shows na ‘Bora’, ‘Ligaw Na Bulaklak’, ‘Parekoy’, ‘Super Inggo’ at ‘Habang May Buhay’.

 

 

***

 

 

AFTER 45 years, nakipaghiwalay si Meryl Streep sa mister niyang si Don Gummer.

 

 

Ginulat ng 3-time Oscar winner ang kanyang mga tagahanga sa buong mundo sa pag-amin na six years na silang tahimik na maghiwalay ng kanyang artist-husband.

 

 

Nasa Spain si Meryl noong lumabas ang balita at ang rep nilang mag-asawa ang naglabas ng official statement nila.

 

 

“Don Gummer and Meryl Streep have been separated for more than 6 years, and while they will always care for each other, they have chosen lives apart,” ayon sa statement ng lumabas sa PEOPLE magazine.

 

 

Sa mga nakakita sa 74-year old actress sa 2023 Princesa de Asturias Awards in Spain, suot pa rin daw nito ang kanyang wedding band.

 

 

Last September 30, the now ex-couple celebrated their 45th wedding anniversary.

 

 

Huling nakitang magkasama in public si Meryl at Don ay noong 2018 sa red carpet ng Academy Awards.

 

 

Kinasal noong 1978 sina Meryl at Don at nabiyayaan sila ng apat na anak: Louisa Jacobson, 30; Grace Gummer, 37; Mamie Gummer, 40 and Henry Wolfe, 43. Meron din silang limang apo.

 

 

Huling napanood si Meryl sa season 3 ng comedy-mystery series na ‘Only Murders In The Building.’

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PDu30, atras sa pagtakbo bilang bise-presidente kapag tumakbo si Mayor Sara sa Eleksyon 2022

    KINUMPIRMA at nagbigay linaw ang Malakanyang sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People kagabi na kung tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte ay hindi siya tatakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022.   “Lilinawin ko lang po na kagabi nagsalita ang presidente ang sabi niya kung tatakbo si […]

  • Mga minero ng iligal na “escombro”, huli ng BENRO, Marilao Police at 4th Maneuver Platoon

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pinagsanib na pwersa ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), Marilao Police Station at 4th Maneuver Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, siyam na iligal ng mga minero ang inaresto matapos silang maaktuhan na nagmimina ng mineral na ‘escombro’ sa Sitio Batia, Brgy. Lambakin, Marilao noong Miyerkules, October 12, […]

  • TAUHAN NG MTPB 2 PA, TIMBOG SA P806-K HALAGA NG DROGA

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.8 milyon halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.   Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-3:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng […]