• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TAUHAN NG MTPB 2 PA, TIMBOG SA P806-K HALAGA NG DROGA

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.8 milyon halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.

 

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-3:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. ang buy-bust operation kontra kay Alex Clemente alyas “Buboy”, 42, (watchlisted) sa kanyang bahay sa 124 Magtanggol St. Brgy. 29, ng lungsod.

 

Nagawang makabili sa suspek ng P15,000 halaga ng shabu ni PCpl Brian Emilson Celeste na nagpanggap na poseur buyer at nang tanggapin ni Clemente ang marked money kapalit ng droga ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nasamsam kay Clemente ang aabot sa 100 gramo ng shabu na nasa P680,000 ang halaga, P1,000 tunay na pera na nakabugkos sa 14 pcs boodle money, cellphone at sling bag.

 

Alas-4 naman ng hapon nang madamba din ng mga tauhan ni P/Capt. Aquiatan sa buy-bust operation sa Samson Road, harap ng Puregold Supermarket, Brgy. 76, Caloocan si Johnver Cleofas, 21, at Ryan Sean Cleofas, 38, MTPB employee sa Manila at residente ng 821 Deodato St. Brgy. 53, Tondo Manila.

 

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 1 kilo at 50 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P126,000 ang halaga, 2 pcs P1,000 tunay na pera na nakabugkos sa 30 pcs 1,000 booblde money na ginamit bilang buy-bust money, backpack at kulay violet na NMAX motorsiklo. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Higit 1,700 mga pasahero ng tren, nasampolan ng ‘no vaccination, no ride’

    MAHIGIT 1,700 na mga pasahero ng tren ang hindi pinayagang makasakay matapos na hindi makapagpakita ng vaccination cards ang mga ito sa unang araw ng pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy sa National Capital Region (NCR).     Sa inilabas na pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways TJ […]

  • Standing ng Pilipinas ukol sa estado ng pagtugon nito sa COVID-19, patuloy na gumaganda ayon sa WHO

    IPINAGMALAKI ng Malakanyang ang patuloy na paglayo ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming naitalang active cases, bilang ng namatay at iba pang datos na may kinalaman sa pandemya.   Base sa ipinresentang datos ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ika- 32 na ang Pilipinas mula sa pagiging ika- […]

  • Durant nagtala ng 26-pts sa panalo ng Nets kahit wala pa si Harden at Irving

    Mistulang pasalubong ang bagong panalo ng Brooklyn Nets sa bago nilang teammate na si James Harden na lumipat mula sa Houston Rockets.   Nanguna sa kanyang all-around game si Kevin Durant na may 26 points upang itala ng Brooklyn ang ikapitong panalo sa kabila na siyam lamang silang mga players.   Para naman sa Knicks […]