• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cyber security office, itatag vs hackers! – Tulfo

NANANAWAGAN si House Deputy Majority Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magtatag na ng isang ahensya para protektahan at labanan ang anumang pag-atake ng mga hackers, o mas malala pa, ng mga cyber terrorists, sa mga computer at data systems sa bansa.

 

 

Ito’y matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng mga hackers sa mga computer data system at websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PhilHealth, Department of Information, Communication and Techno­logy at maging ng House of Representatives.

 

 

Ayon kay Cong. Tulfo, “nakita natin na kung gaano ka-vulnerable at helpless ang mga ahensya natin sa pag-atake ng mga hacker sa mga websites o mga computer files ng mga government agencies natin.”

 

 

Aniya, marami ng bansa ang nagtatatag na ng cyber security agency dahil online o digital na ang halos lahat ng transaction pati ang komunikasyon sa buong mundo.

 

 

Para kay Tulfo, ang itatag na cyber security office o agency ay may kakayahan na pangalagaan at protektahan ang mga digital files ng gobyerno laban sa mga pag-atake ng mga ordinaryong hackers at posibleng cyber terrorists.

 

 

Ang nangyari raw sa isang bangko at isang e-wallet company na napasok ng mga hacker ilang buwan na ang nakakaraan ay isang paalala raw na nasa cyber space na rin ang mga sindikato. (Daris Jose)

Other News
  • HEALTH SEC DUQUE, ‘SABLAY’ SA PFIZER VACCINE

    “There’s no such a thing as somebody dropping the ball. It is really an ongoing negotiation,” ani Duque sa isang press briefing nitong Miyerkules.   Agad dumepensa si Health Sec. Francisco Duque III mula sa kontrobersyal na online post ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na naglantad sa isang opisyal na humarang umano sa dapat […]

  • LIZA, nag-react sa poster ng ‘Tililing’ at sinabing “Mental health is NOT a joke. Stop the stigma”

    IBA talaga si Liza Soberano.   Isa siya sa mga kabataang artista ngayon na hindi lang puro ganda. Kung lalaki lang ‘to, madaling sabihin na may ‘balls’ kasi.   Talent-wise, na-prove naman ni Liza na hindi lang talaga siya pretty face at talagang may ibubuga sa aktingan. At bukod dito, siya rin yung may pakialam […]

  • DC Gives A Detailed Look at Aquaman & Black Manta’s New Costumes in ‘Aquaman 2’

    DC has given us a detailed look at the uniforms Arthur Curry (Jason Momoa) and Black Manta (Yahya Abdul) will be using on Aquaman and the Lost Kingdom.     Our own Steven Weintraub took some exclusive pictures at the Licensing Expo in Las Vegas, giving us the best look yet at the new costumes […]