• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, pinaigting at dinagdagan ang mas maraming maritime patrols

PINAIGTING at dinagdagan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng mas maraming maritime patrols at freedom of navigation missions sa  West Philippine Sea.

 

 

Kamakailan lamang kasi ay may nangyaring banggaan sa pagitan ng Chinese vessel at Philippine vessel sa karagatan ng pinag-aagawang teritoryo malapit sa Ayungin Shoal o Ren Ai’ Jiao naman sa China.

 

 

Sinabi ni National Security Council assistant director general Jonathan Malaya, ang pagdaragdag ng patrols ay bunsod na rin ng na-monitor na  “a large number of Chinese maritime militia vessels”  hindi lamang malapit sa Ayungin kundi sa  Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) at Sabina (Escoda) Shoal.

 

 

“We are alarmed by the environmental degradation our Coast Guard ships were able to monitor in these areas,” ayon kay Malaya sa isang panayam.

 

 

Kaya nga umapela si Malaya sa China na “act responsibly” at igalang at sundin ang international law.

 

 

Ang Beijing ay isa sa mga signatory ng United Nations Convention on the Law of the Sea or UNCLOS.

 

 

Sa kabilang dako, inakusahan ni  Malaya ang China  ng pagsasagawa ng tinatawag na “malign information operation” kung saan ang “false narratives” ay ibinahagi sa publiko.

 

 

“Some critics are saying this is just posturing on the part of the Philippines… This is a battle for the resources of our country particularly those for our fishermen,” aniya pa rin.  (Daris Jose)

Other News
  • Russia, kumpiyansa na maaaprubahan na ang COVID-19 vaccine sa Agosto

    Desidido ang Russia sa magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus.   Target kasi ng gobyerno ng Russia na aprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto ang bakuna na gawa ng Moscow-based Gamaleya Institute.   Aaprubahan na ito sa public use kung saan ang unang mabibigyan ay ang mga frontline […]

  • Kai Sotto pumuntos ng 8 points pagbalik sa Adelaide

    Malaking tulong si KAI Sotto mula sa bench para sa Adelaide 36ers nang talunin nila ang Melbourne United, 91-86, sa 2022-23 NBL season noong Huwebes sa John Cain Arena.   Umiskor ang Filipino center ng walong puntos sa 17 minutong paglalaro, kasama ang apat na rebounds, isang assist, at isang steal.   Ito ay isang […]

  • DIRECT SUNLIGHT, WALANG EBIDENSIYA NA NAKAMAMATAY NG CORONA VIRUS

    WALA  pang ebidensya na ang “direct sunlight” ay nakamamatay ng virus ng coronavirus disease.   Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire,  sa umano’y muling paggamit ng mga surgical mask matapos itong ibilad sa araw upang mamatay umano ang virus.   “Wala pang ebidensya na nakakapagbigay sa atin kung ito ba ay naapektuhan […]