3 Pinoy pa nananatili sa Gaza
- Published on October 27, 2023
- by @peoplesbalita
TATLONG Filipino pa ang nananatili sa Gaza kabilang ang mag-ama na nasa ospital.
Umaasa naman si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa panayam ng ANC na mabibigyan ng pantay na proteksyon at tulong ang lahat ng residente ng Gaza maging ang kanilang foreign nationals.
Nagpahayag din ng pag-asa si De Vega na makakasama ang tatlong Pinoy sa pagtawid sa Egypt para sa repatriation ngayong “weekend”.
Base sa datos sa 136 Pinoy na nasa Gaza nang pumutok ang sagupaan sa pagitan ng Israel at Hamas militant, kalahati nito ay mula sa Pilpinas at ang iba ay kanilang mga anak at mga asawang Palestino.
Samantala, hindi pa rin matagpuan ang dalawang Pinoy sa Israel na nawawala matapos ang pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7 ng militanteng Hamas.
Isa umano sa nawawalang Pinoy ay babae na mayroong Israeli passport habang ang isa pa ay posibleng hostage ng Hamas at inaasahang mapapalaya rin. (Daris Jose)
-
Bumida sa Warriors vs Cavs Thompson ‘di kinalawang
MATAPOS ang dalawang taon ay muling nasilayan sa aksyon si Klay Thompson. Nagsalpak si Thompson ng 17 points kasama ang tatlong three-point shots sa 96-82 pagdomina ng Golden State Warriors sa Cleveland Cavaliers para tapusin ang kanilang dalawang dikit na kabiguan. Muling sumosyo ang Warriors (30-9) sa Phoenix Suns para sa […]
-
Mga POGO workers, pinaalalahanan sa year end deadline
NAGPAALALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa mandato ng gobiyerno hinggil sa deadline na pag-alis nila sa bansa sa katapusan ng taon. Binigyan diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na madaliin ito dahil mayroon na lamang 31 na araw ang mga dayuhan […]
-
Pulis naka motorsiklo namaril ng rider arestado
HAWAK na ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang isang Patrolman matapos mamaril at tutukan ng baril ang nakasabay na rider sa Tondo, Maynila. Unang nagreklamo ang biktimang si Wally Montinola, 30 ng 1631 Int.17,Phase 360 Pacheco St.Tondo sa MPD-Police Station 1. Ayon sa reklamo ng biktima, alas 11:30 ng […]