DepEd, World Bank posibleng magsanib-puwersa para palakasin ang kalidad ng edukasyon
- Published on October 27, 2023
- by @peoplesbalita
POSIBLENG magsanib-puwersa ang Department of Education (DepEd) at World Bank Group para magtulungan na paghusayin pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Sa kanyang opisyal na Facebook page, ibinahagi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang naging pagbisita ni World Bank Group Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines, and Thailand Dr. Ndiamé Diop sa DepEd Central Office sa Pasig City, araw ng Lunes, para sa isang courtesy call.
“Masaya ako na pareho naming kinikilala ang malaking papel na ginagampanan ng edukasyon para sa pagbabago ng buhay at kinabukasan ng bansa,” ayon kay VP Sara.
Sa nasabing courtesy call, ibinahagi pa rin ni VP Sara na pinag-usapan ng mga opisyal ng DepEd at World Bank Group ang posibleng pagsasanib-puwersa o kolaborasyon na makatutulong para tugunan ang mga hamon sa education sector ng bansa.
Kabilang sa mga posibleng larangan para sa pagtutulungan ay ang implementasyon ng MATATAG Agenda.
Inilunsad noong unang bahagi ng taon, ang MATATAG Agenda ang pinakabagong “battlecry” ng DepEd para lutasin ang mga hamon sa basic education sector.
Nakatuon ang MATATAG Agenda sa paglikha ng curriculum na may kaugnayan sa pagpo-produce ng “competent at job-ready, active, at responsible citizens; gumawa ng hakbang para gawing mabilis ang paghahatid ng basic education facilities at services; pangalagaan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpo-promote sa kapakanan ng mga mag-aaral, inclusive education, at isang positive learning environment; at bigyan ng suporta ang mga guro na makapagturo ng maayos.
Tinalakay din ng DepEd at World Bank Group ang mga posibleng hakbang para palawign ang pagsasanay para sa mga Filipino teachers sa pamamagitan ng “Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Project” sa iba’t ibang rehiyon at maging ang paglikha ng karagdagang matibay na eskuwelahan sa ilalim ng “Infrastructure for Safer and Resilient Schools” project.
Sinabi pa ni VP Sara na pinag-usapan din ang DepEd Digital Education 2028 o “DepEd DigiEd” program.
Samantala, nagpasalamat naman si VP Sara sa World Bank Group para sa grant para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“Ako ay positibo na ang kolaborasyon at pagtutulungan ay magdadala ng makabuluhang pagbabago sa edukasyon sa bansa,” ayon kay VP Sara. (Daris Jose)
-
SC kinatigan ang MMDA’s number coding scheme
Inayunan ng Supreme Court (SC) ang kapangyarihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng mga hakbang na makakatulong upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila tulad ng number coding scheme. Sa isang 28-pahina na desisyon na pinagbutohan ng lahat ng mahistrado ng SC, kanilang binasura ang petition para sa paghinto ng […]
-
Bagong LTO chief tutukan ang license plate backlog
ANG BAGONG talagang chief ng Land Transportation Office (LTO) ay nangako na tutukan ang backlog ng mga license plates sa harap ng mga opisyales at empleyado ng ahensiya noong nakaraang Lunes. “The license plate backlog and the issue of funding are an unending cycle of problems in the LTO. We will do a thorough review […]
-
PDu30, hands off sa napipintong pagpapalit ng House leadership -Sec. Roque
HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco. Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte ang una nang naging arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno […]