DFA, idinepensa ang pag-abstain ng Pinas sa UN resolution na nananawagan ng Israel-Hamas ‘humanitarian truce’
- Published on November 2, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPALIWANAG si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kung bakit nag-abstain ang Pilipinas mula sa pagboto sa United Nations General Assembly (UNGA) resolution na nananawagan ng “immediate, durable, and sustained humanitarian truce leading to a cessation of hostilities” sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.
Ang katuwiran ni Manalo, hindi kasama sa panukalang resolusyon ang terrorist attacks noong Oktubre 7.
“There was one issue that was not reflected and that was the mention of the terrorist attacks on October 7 where in our case, four Filipinos were confirmed to have been killed during the attacks,” ayon kay Manalo.
Ang paliwanag pa ni Manalo, kumbinsido kasi ang Pilipinas na mahalaga sa resolusyon na isama ang terrorist acts lalo pa’t may 4 na filipino ang nasawi at dalawa pa ang nananatiling nawawala.
Inamin ni Manalo na ipinagpapalagay na ng pamahalaan na ang dalawang filipino na nawawala ay bihag ng mga Hamas.
Sa kabila ng abstention, sinabi ni Manalo na nananatiling suportado ng Pilipinas ang humanitarian efforts ng United Nations sa Gaza.
“We will continue to support the efforts of the United Nations to put a stop to the suffering in Gaza and to hope that we can open a humanitarian corridor,” ayon kay Manalo.
Aniya pa, ang pag-abstain mula sa pagboto ay hindi nangangahulugan na kontra ito sa resolusyon.
“Please note that abstention does not mean you are against the resolution, we just felt that there was something important to the Philippines that should have been mentioned in,” paliwanag ni Manalo. (Daris Jose)
-
Populasyon sa buong mundo, inaasahang papalo sa 8 billion ngayong taon – UN
INAASAHANG papalo sa 8 billion ang populasyon sa buong mundo sa Nobyembre 15 ng kasalukuyang taon. Base sa forecast ng UN, ang India na ang bansa na may pinakamaraming populasyon sa buong daigdig na nalagpasan na ang China. Ayon kay Secretary General Antonio Guterres na ang overall population milestaone na ito […]
-
Pdu30, tinintahan ang isang EO na lilikha sa National Amnesty Commission
TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang executive order na lilikha sa National Amnesty Commission (NAC). Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang komisyon ay kinabibilangan ng pitong miyembro kabilang na ang chairperson at dalawang regular members na itatalaga ni Pangulong Duterte. Ang mga pinuno ng Department of Justice, Department of […]
-
NAGNEGATIBO SA COVID ANG BUONG DELEGASYON NG PBA
NAKAPAGPRAKTIS na ang Magnolia Chicken, Phoenix Super LPG, Terra Firma, Talk ‘N Text at Manila Electric Company o Meralco nito Huwebes. Samantalang Biyernes naman ang defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel, Blackwater Bossing, NorthPort Batang Pier, Rain or Shine, Alaska Milk at NLEX. Matapos ito na walang nasuring may Covd-19 […]