• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong programa nila ni Kuya Poy, maagang pamasko: LAILA CHIKADORA, may ‘shoutout’ sa nagalit na manager ni PIA

MAY handog na “12 Gifts of TRUE Christmas” ang newly-awarded Best Radio Station ng bansa, ang Radyo5 TRUE FM, bilang maagang pamasko para sa mga listeners.

 

 

Sisimulan ito sa launch ng mga bagong programang layunin ang maging safe space ng mga listeners para sa mga heartfelt conversations at mga payo mula sa mga pinagkakatiwalaang radio hosts.

 

 

Sa mga humaharap sa relationship challenges o naghahanap ng open discussions, ipinagmamalaki ng Radyo5 TRUE FM ang Heart-2-Heart, isang bagong radio program kung saan maaaring i-share ng mga listeners ang kanilang deepest thoughts at emotions sa host na si Arnold Rei Dela Cruz, na kilala sa kanyang malasakit at compassionate na pagharap sa iba’t ibang isyu.

 

 

Higit pa sa ordinaryong radio program ang Heart-2-Heart dahil sinasaklaw nito ang lahat ng aspeto ng relasyon, mga trending topics, pop culture at mga kasalukuyang isyu na nakaka-apekto sa buhay ng mga tao.

 

 

Bukod sa Heart-2-Heart, mae-enjoy din ng TRUE FM listeners ang isang all-new evening hangout kasama si DJ Laila Chikadora sa SHOUTOUT, na maghahatid ng heartwarming stories, beautiful music, at touching connections.

 

 

Tampok sa SHOUTOUT ang mga engaging segments tulad ng ‘Love Note Hour,’ ‘Love Stories,’ at ‘Dedication Corner,’ kung saan pwedeng naman magbahagi ng heartfelt messages ang mga listeners.

 

 

Inaanyayahan ang lahat na mag tune in sa 92.3 Radyo5 TRUE FM para magbahagi ng kanilang daytime thoughts at makisali sa makabuluhang usapan araw-araw, mula 12NN hanggang 1:00PM, kasama si Arnold Rei Dela Cruz sa Heart-2-Heart.

 

 

Para sa mga gusto namang mag-chill sa gabi, si DJ Laila naman ang perfect companion for sharing love notes sa SHOUTOUT, araw-araw mula 8:00PM hanggang 9:30PM.

 

 

Samantala, binalikan ni DJ Laila Chikadora ang di malilimutang sigalot sa kanila ng Jonas Gaffud, ang presidente ng Mercator Model Management, Inc., noong 2017.

 

 

Na kung saan kabilang sa contract artists nila ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

 

 

Natanong kasi ni DJ Laila kung alam ng beauty queen na may anak na pagkabinata si Marlon Stockinger, na ikinagulat ni Pia.

 

 

Dahil doon ay, “nagalit ang manager, inaway ako. Pinatigil na niya ang interview, bakit ko raw tinatanong ‘yun, tinalakan talaga niya ako.

 

 

“Tapos akala ko, tapos na, sabi ko, ‘pinapatanong lang ng office, which is true, kasi istorya yun at hot issue silang dalawa.

 

 

“Tapos after two weeks yata, nagkita na naman kami sa isang event. Hinihintay naman ang lola mo (Pia) for interview.

 

 

“Nu’ng nakita niya ako ng manager, sinugod ako, parang, ‘ikaw na naman’, nagtatalak na naman siya, kinurot pa nga niya ako.

 

 

“Pero sabi ko, ‘sorry po, kailangan ko lang tanungin, clarification nga po.'”

 

 

Pinapalayas nga siya sa sobrang galit, dahil kung hindi, ay sila ang aalis. Pero sabi naman ng PR, dahil ininvite sila, hindi sila paalisin, na ikinatuwa naman ‘yun ni DJ Laila. Kaya nakakuha pa rin sila ng interview.

 

 

Pagkaraan ng ilang taon, muling nag-krus ang landas nila ni Pia sa isang event at i-interview-hin na naman niya.

 

 

Kaya ang ginawa niya, bago mag-interview, hinila niya si Pia sa isang tabi, para ipaalala ang nangyari, at nag-apologize siya.

 

 

“Sabi ko kay Pia, kung nabigla ka sa question ko, I’m sorry, kaya lang, pinapatanong talaga ng opisina and it’s a story. And I hope you understand where I’m coming from.”

 

 

“Tapos niya, hinawakan pa niya ang kamay ko, ‘ano ka ba? Okay lang ‘yun. Don’t worry’.

 

 

“Atleast kahit hindi kami naging okey ni manager, sa sarili ko, alam ko na okey kami ni Pia. After nun, tapos na, wala ng isyu. Pero si manager, hanggang ngayon hindi pa kami nag-uusap.”

 

 

Kaya ang special ‘shoutout’ niya ay sana magkaayos na sila ni Jonas Gaffud.

 

 

Anyway, abangan kung ano pa ang mga Pamaskong handog ng Radyo5 TRUE FM mula sa kanilang “12 Gifts of TRUE Christmas.” Tumutok lamang sa 92.3 Radyo5 TRUE FM at manatiling updated sa mga latest na impormasyon ng Best Radio Station ng bansa.

 

 

I-follow ng kanilang social media pages sa Facebook, X app, at TikTok.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads October 12, 2020

  • Kasong kriminal at administratibo ihahain kina PhilHealth President at CEO Morales at iba pa

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng  task force PhilHealth na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. Ricardo Morales at ilang  executives kaugnay sa iregularidad sa state insurer.   Mismong si Pangulong Duterte  ang nagbasa ng rekomendasyon ng  task force sa public address nito, Lunes […]

  • Pagsasa-ayos sa Manila Bay, 2019 pa inaprubahang mapondohan

    TAONG  2019 pa aprubado at kasama sa line item ang ginagawang hakbangin ngayon ng pamahalaan sa Manila Bay.   Ito ang binigyang diin  ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng ilang batikos patungkol sa pagpapa- white sand ng nabanggit na look.   Ani Sec. Roque, tuhog  lang ang nangyayaring pagpapaganda sa Manila Bay gayung […]