• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsasa-ayos sa Manila Bay, 2019 pa inaprubahang mapondohan

TAONG  2019 pa aprubado at kasama sa line item ang ginagawang hakbangin ngayon ng pamahalaan sa Manila Bay.

 

Ito ang binigyang diin  ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng ilang batikos patungkol sa pagpapa- white sand ng nabanggit na look.

 

Ani Sec. Roque, tuhog  lang ang nangyayaring pagpapaganda sa Manila Bay gayung ang target talaga ng proyekto ay may kinalaman sa flood control at soil erosion control.

 

Alam aniya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ginagawa nila para maproteksiyunan ang kalikasan  at incidental na lang ang nangyayaring beautification sa lugar.

 

Dagdag ni Sec. Roque na maging siya bilang isang taga Maynila ay natutuwa na may pinagagandang atraksiyon na hindi lamang mga tubong taga Maynila ang makikinabang kundi ang buong taga- Metro Manila.

 

Nauna rito, sinabi ni Vice-President Leni Robredo na nanghihinayang siya sa perang pinanggastos para sa pagtatambak ng artificial white sand sa Manila Bay.

 

Sinabi ni VP Leni na  sana  ay nagamit pa sa mas mahalagang proyekto ang pondo lalo’t patuloy na hinaharap ng bansa ang krisis dulot ng pandemya.

Napaka-insensitive ayon pa kay VP Leni  ang ginawang ito na pag- beautify sa
Manila Bay.

 

“Parang napaka-insensitive na gagawin mo iyan sa height ng pandemic, na ang daming nagugutom.

Ang daming naghihirap, gagawin mo iyong pag-beautify,” ayon sa Bise-Presidente.

 

Samantala, handa naman si  Mayor Isko Moreno na  ipatigil ang paglalagay ng artificial white sand sa dalampasigan ng Manila Bay kung mapapatunayang may masamang epekto sa kalusugan ang mga materyal na itinatambak dito.

 

At para naman sa  grupong Infrawatch Philippines, hindi ligtas sa kalusugan ang inilagay na artificial white sand sa Manila Bay.

 

Sa pag-aaral ng grupong Infrawatch Philippines, sinabing ang dinurog na dolomite rock ay nagdudulot ng iritasyon sa mata, mga sakit sa baga at maging cancer.

 

Dinurog na dolomite rock ang ginamit bilang artificial white sand sa Manila Bay, na bahagi ng P389 milyon na beach nourishment project, ayon sa DENR.

 

Pero pinabulaanan ni Environment Undersecretary Benny Antiporda ang pahayag ng grupo.

 

“Napag-aralan ito na… wala siya hazard, lalo naman sa health,” ayon kay Usec.  Antiporda. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ANDREW, labis-labis ang pasasalamat sa Diyos dahil naging maganda ang 2021 at looking forward ngayong 2022

    AMINADO ang sikat na rapper-comedian na si Andrew E na naging maganda ang kanyang 2021 kahit na marami pa rin ang apektado ng pandemya na dulot ng COVID-19 na sa pagpasok ng bagong taon ay tumaas na naman dahil sa Omicron variant.     Natanong kasi si Andrew kung ano ang assessment niya sa kanyang […]

  • DINGDONG, natupad na ang dream na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity

    NOONG May 1, Labor Day, natupad na ang dream ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity, sa pamamagitan ng pagtutulungan nila ng kanyang YesPinoy Foundation at Rotary Club of Makati, para mag-train at magturo sa mga Pandemic-affected workers, engaged as Partner Riders by Dingdong.     Sa pamamagitan ng partnership ng […]

  • LIBRENG ACCESS SA TALUMPATI NI SANTO PAPA

    NANAWAGAN si Pope Francis noong Linggo ng libreng pag-access sa mga banal na lugar sa Jerusalem habang naghahatid siya ng kanyang taunang talumpati sa Pasko ng Pagkabuhay sa gitna ng  karahasan sa pagitan ng mga Israelita at Palestinian sa  Holy City.     “May there be peace for the Middle East, racked by years of […]