Para maka-move on na at ang ibang tao: CARLA, naging open na pag-usapan ang divorce nila ni TOM
- Published on November 11, 2023
- by @peoplesbalita
NAGING open na si Carla Abellana na pag-usapan ang tungkol sa divorce nila ng ex-husband na si Tom Rodriguez.
Sey ng bida ng ‘Stolen Life’, kasalukuyang nasa korte na ang petition para sa divorce of marriage nila dito sa Pilipinas.
Dahil American citizen si Tom, divorce ang na-grant sa US.
“Well, the status is divorce because that’s what he filed for in the US. ‘Yung dito sa Pilipinas, ibang proseso po siya parang petition po siya so ongoing po ‘yon.
“Kumbaga ‘yung ating local court, tatanggapin po nila yon and kailangan po nila i-recognize ‘yung decree na ‘yon, ‘yung divorce decree tapos i-update po ‘yung status namin dito.
“Matagal pa po sa Pilipinas, eh. So divorced po technically, but ‘yung sa Philippines in the process pa po ‘yung pag-recognize nila ng divorce decree.
“Hindi po annulment… and there’s no need for annulment since sa Philippine law, hindi naman po sa parang obliged sila but they have to recognize that foreign decree, ‘yun po ‘yung magiging status.”
Nagagawa nang mapag-usapan ni Carla ang tungkol dito para maka-move on na siya at ang ibang tao.
“Ayoko naman din pong balik-balikan. Ayoko po siyang pag-usapan palagi. I’m in that position na po na at least, kumbaga, kung tatanungin po ako, masasagot ko naman po nang maayos. It just shows na parang ‘you’re over it’… parang ganon, nakapag-move on ka na po. Hindi naman sa komportable na pong pag-usapan pero at least kaya na pong pag-usapan.”
Kinasal sina Carla at Tom noong October 2021, pagdating na Janunary 2022 ay kumalat na ang balitang hiwalay na sila.
***
SA kanyang Instagram, nag-open up si Jon Lucas na dumating sa buhay niya ang pagkawala ng tiwala sa talento niya bilang aktor.
Dumating daw ang proyekyo na ‘Black Rider’ sa panahon na kinukuwestiyon niya ang kakayanan niya bilang aktor. Inamin din niya na muntik na niyang talikuran ang pag-arte dahil nawala yung tiwala niya sa kanyang sarili.
Heto ang pinost ni Jon:
“Medyo pressured, medyo kinakabahan, minsan nagtatanong ako sa mga nakakasama.
“Alam nyo po, kahit kailan hindi nawala yung tiwala ko sa magagawa ng Diyos sa buhay ko. Ang nawala po talaga noon sa akin ay yung tiwala sa magagawa ko.
“Hanggang ngayon naman, minsan napapaisip pa rin, pero buong puso kong sinasampalatayanan na biyaya ito sa akin, sa amin.
“Sinalba ng proyektong ito yung nawawala kong pag-asa na may magagawa pa ako sa industriya. Opo, hindi ko binanggit sa panalangin ko sa araw-araw yung Black Rider kasi mula Enero hindi ko alam ang kung ano ang susunod para sa akin.
“Ang lagi ko po na banggit sa Ama ay tulungan Niya akong manghawak pa, at maniwala na para dito pa ako sa industriyang pinaglagyan Niya sa akin.
“Pasuko na po, magpapaalam na muna sana na magpahinga. Hanggang sa nag-message sa akin handler ko na may taping ako ng Tadhana kaya sabi ko ‘Sige po go ako.’ Balak ko after no’n okay na muna ako. Isipin ko munang mabuti kung ano yung mga dapat kong i-improve. Isipin ko muna kung okay pa ba ako dito?
“Hanggang sa taping mismo ng Tadhana, doon ko nalaman na kasama ako sa Black Rider. Buti pala nag-go ako! Buti pala kahit wala akong tiwala sa sarili ko, nagtiwala pa rin ako sa Diyos. Nagpatotoo Siya sa atin ulit.
“Basta mula noon hanggang ngayon, alam kong hindi dahil sa ako’y magaling, kundi sa Diyos lahat nanggagaling.
“Kaya alam ko na lahat ng ginawa at ibinigay namin ay sinasamahan Niya kami. Anuman ang maging resulta nito, ngayon palang sa Panginoong Diyos and lahat ng kapurihan!”
Noong pilot episode ng Black Rider, isa sa nag-trending ang #JonLucas dahil sa husay nang pagganap niyq bilang ang kontrabida ni Ruru na Calvin Magallanes.
***
ANG ‘80s heartthrob na si Patrick Dempsey ang hinirang na Sexiest Man Alive 2023 ng People magazine.
Ikinagulat ito ni Dempsey na three decades na bilang aktor sa Hollywood. Nabigyan siya ng big break noong 1987 sa pelikulang ‘Can’t Buy Me Love.’
Noong 2005, muling nabigyan ng bagong sigla ang career niya noong mapasama siya sa cast ng Grey’s Anatomy as Dr. Derek Shepherd a.k.a. McDreamy for 11 seasons.
Ilan sa mga memorable films ni Dempsey ay Outbreak, Sweet Home Alabama, Made of Honor, Valentine’s Day, Freedom Writers, Scream 3, Transformers: Dark of the Moon and Enchanted
Cancer advocate din ang aktor at tinayo niya ang The Dempsey Center noong 2008 in honor of his late mother na pumanaw because of the Big C.
Sey ng 57-year old actor.: “The Dempsey Center provides care and support to hundreds of individuals and their families. We wanted to make a space where those impacted by cancer could find relief, comfort, and resources. That human interaction, that human touch is really important to the healing process.“
Sa December ay mapapanood si Dempsey sa pelikulang Ferrari na tungkol sa buhay ng Italian race car driver na si Piero Taruffi.
-
PANCHO at MAX, parehong dedma sa nagtatanong kung naghiwalay na
FEELING namin, hindi na rin magtatagal at magsasalita na rin ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno sa totoong estado ng relasyon nila. Si Pancho ay kasalukuyang napapanood sa GMA Telebabad na First Yaya at si Max naman, ang dating pinagbidahang serye na Innamorata ay muling mapapanood at ipalalabas sa GMA Afternoon Prime […]
-
Inaming nagkaka-anxiety dahil sa mga tao: YASSI, ipinagdiinan na wala silang problema ni NADINE
INAMIN ni Yassi Pressman sa mediacon ng kanyang bagong teleserye na napapanood sa TV5, ang “Kurdapya” na nagkakaroon siya ng anxiety dahil daw sa mga tao. Nang magkausap daw sila ni Nadine Lustre ay sinabi niya na, “Uy girl, nagkaka-anxiety ako sa mga tao.” Ang taong tinutukoy ni Yassi nang tanungin […]
-
Ads January 16, 2020