• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P16-M fund, handa para sa pagpapa-uwi ng mga Filipino mula Gaza

TINIYAK ng  Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga  Filipino na nais nang lisanin ang Gaza Strip na may  USD297,746 (P16 million) repatriation fund ang naka-standby para i-cover ang huling Filipino na magdedesisyon na magbalik-Pilipinas.

 

 

Sa ngayon, nakasara ang Rafah border crossing dahil sa “security reasons.”

 

 

“The embassy has a standby fund of USD297,746 for local transportation, accommodation in Cairo, flight tickets and welfare assistance — that is for 150 persons,” ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega sa isang panayam.

 

 

Ani De Vega, mayroon pang  69 Filipino ang nagdesisyon na iwanan ang nakubkob na strip at naghihintay ng signal para makalabas.

 

 

Tinatayang may kabuuang 137 Filipino sa Gaza Strip nang magsimula ang  bakbakan sa pagitan ng  Israel-Hamas  matapos ang sorpresang pag-atake sa katimugang bahagi ng Israel  noong Oktubre 7.

 

 

Sa kabilang dako, may dalawang Filipino medical workers ang tumawid sa  Rafah border noong nakaraang linggo kasunod ng  40 na iba pa.  Lahat sila ay nasa Cairo.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago na ang situwasyon sa ground ay ” remains fluid as the border opening would depend on the security of the area.”

 

 

Subalit sinabi nito na ang mga opisyal mula sa Philippine Embassy sa Cairo ay naka-standby at naka-monitor sa sitwasyon sa  Egyptian side ng  border crossing.

 

 

“My colleagues are there, they were at the border the whole time but there is no signal between us (in Cairo) and them. When they left they did report that nobody was able to cross,” dagdag na pahayag ni Tago.

 

 

“We cannot expect that something would be set in stone, that it will be regular, it’s really a very fluid situation,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Protocols, ‘di nasunod ng mga pulis sa drug war ops sa Phl – DoJ

    Aminado si Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi raw nasunod ng ilang pulis ang operations sa kanilang isinasagawang drug operations kaugnay pa rin ng kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.     Sa report ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UNHRC), marami umong “nanlaban” cases ay hindi dumaan […]

  • Nabiktima nang i-prank call sa paglipat sa GMA: PIOLO, sinabihan si BEA ng ‘Adik ka. Yun na yun?!’

    TAGUMPAY ang prank calling ni Bea Alonzo sa kanyang kapatid na James at sa mga kaibigan, na kinabibilangan nina Kakai Bautista, Mark Nicdao, Piolo Pascual at Vice Ganda.     Last April Fool’s Day, nasa bahay lang daw si Bea at walang magawa.  At mag-check siya sa comment section ng YouTube channel may suggestion na […]

  • Ads January 7, 2021