• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hands off sa napipintong pagpapalit ng House leadership -Sec. Roque

HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa usapin ng  term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco.

 

Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte  ang una nang naging  arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno sa Kamara de Representante.

 

Ayon kay Sec. Roque, ang desisyon  ay nasa hanay ng mga miyembro ng Kongreso kasabay ng pagpapahayag ng pasubali na walang dahilan para mamagitan sa ngayon ang Presidente sa dalawang Kongresista.

 

“Wala po tayong kinalaman diyan bagama’t ang paghalal ng Speaker ay desisyon po iyan ng mga miyembro ng Kamara, so hindi po nanghihimasok diyan ang Presidente sa ngayon,” ayon kay Sec. Roque.

 

Magugunitang,  nagkaroon ng term sharing agreement sina Cayetano at Velasco na pinagtibay ng dalawa bilang gentleman’s agreement.

 

Kung masusunod ang kasunduan ng dalawa,  dapat maupo bilang bagong Speaker of the House si Velasco kapalit ni Cayetano sa darating na Oktubre 18. (Daris Jose)

Other News
  • Sa pagtakbo ni VP LENI bilang Pangulo: ELY, kinukulit na ng netizens na tuparin ang pangakong reunion concert ng Eraserheads

    DAHIL official ngang in-announce ni Vice President Leni Robredo ang paglaban sa pagka-pangulo sa Halalan 2022, nagtatanong ngayon ang netizens kay Ely Buendia kung tutuparin niya ang pangakong magkakaroon ng reunion ang Eraserheads.     Marami nga ang nagpakita ng suporta at kaligayahan sa naging desisyon ni VP Leni, kaya umulan ng mensahe at pink […]

  • PBBM, aprubado ang national innovation agenda

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr., chairman  National Innovation Council (NIC), ang  National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) 2023-2032.     Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na NIASD 2023-2032 ang babalangkas sa plano ng bansa para pagbutihin ang innovation governance at  ang pagtatatag ng  dynamic innovation ecosystem.     Ang […]

  • Pinas pinaghahanda sa ‘worst-case scenario’ vs Delta variant

    Kailangan maghanda ang Pilipinas para sa isang “worst-case scenario” laban sa posibleng pagkalat ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.     Ayon kay Dr. Gene Nisperos, board member ng non-governmental organization Community Medicine Development Foundation, hindi pa rin kasi sapat ang testing na ginagawa sa ngayon at mabagal din ang rollout ng pagbabakuna para maiwasan […]