• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 high ranking PNP officials binalasa

LIMANG high ranking officers ang inilipat ng puwesto ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., bilang bahagi ng reorganization ng PNP.

 

 

Batay sa order ni Acorda, na may petsang Nobyembre 17, itinalaga si dating PNP Director for Information and Communication Technology Management (DICTM) Maj. Gen. Bernard Banac bilang bagong Director ng Special Action Force (SAF) kapalit ni Maj. General Rudolph Dimas na mapupunta naman sa kanyang bagong puwesto bilang hepe ng Directorate for Plans (DPL).

 

 

Malilipat naman si dating DPL chief Brig. Gen. Neil Alinsañgan, sa DICTM habang ipupuwesto si dating Police Community Affairs and Development Group (PCADG) director Brig. Gen Lou Evangelista, bilang bagong Police Regional Office (PRO) 1 Director kapalit ni Brig Gen. John Chua.

 

 

Itinalaga naman si PCol. Restituto Arcanghel bilang PCDAG Director at si Chua ang bagong itatalagang Area Police Command (APC) sa Visayas.

 

 

Nauna ng sinabi ni Acorda na wala umano siyang plano na magsagawa ng malawakang balasahan mula ng maupo siya sa puwesto. Kailangan lamang ang balasahan kung may mga bakanteng posis­yon dahil sa pagreretiro ng ilang opisyal.

 

 

Si Acorda ay nakatakdang magretiro sa unang Linggo ng Dis­yembre ngayong taon sa pagsapit ng kanyang retirement age na 56. (Gene Adsuara)

Other News
  • Opening ng WNBL, NBL pag-aaralan pa – Mercado

    IPINASYA ng Women’s National Basketball League (WNBL) at National Basketball League (NBL) na ipagpaliban muna ang planong 2021 season opening pagkatapos ng Holy Week.     Sa pahayag ng dalawang liga nitong isang araw lang, ipapalabas na lang ang bagong petsa  sa pagbubukas nito para na rin sa kaligtasan mula ng lahat sanhi nang pagtaas […]

  • Face-to-face college classes simula na sa Enero 31

    GAYA nang pinlano, nakatakdang magsimula ang limited face-to-face classes para sa higher education institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 sa Pilipinas sa Enero 31.     “The date of the phase 2 of the implementation of limited face-to-face classes for all programs of HEIs in areas under Alert Level […]

  • 2,700 manggagawa maaaring mawalan ng trabaho dahil sa cashless scheme sa tollways

    Maaaring tinatayang 2,700 na manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa expressways dahil sa pagpapatupad ng tuluyang cashless toll collection.   Sinabi ni Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) president Rodrigo Franco na may 715 na mangagawa sa kanilang 377 toll booths ang maaapektuhan dahil sa paglipat sa cashless scheme sa kanilang mga tollways tulad ng North […]