May global auditions sa next ‘Karate Kid’: Ralph Macchio at Jackie Chan, magsasama sa bagong version
- Published on November 28, 2023
- by @peoplesbalita
MAGSASAMA sa bagong version ng ‘Karate Kid’ sina Ralph Macchio at Jackie Chan.
Si Ralph ang gumanap bilang si Daniel LaRusso sa original ‘Karate Kid’ film noong 1984. Nakasama niya sa film ay si Pat Morita na gumanap na Mr. Miyagi. Pumanaw si Morita noong 2005.
Sa remake ng The Karate Kid noong 2010, si Jackie Chan ang gumanap na bagong trainer na si Mr. Han. Ang tinuruan niya ay ang bata pa lang noon na si Jaden Smith (na anak ni Will Smith).
“Hi everyone, we’ve got big news,” sabi ni Jackie sa isang video announcement.
“We’re starring in a new ‘Karate Kid’ movie together,” dagdag naman ni Ralph na kasama si Jackie.
Naghahanap din sila ng susunod na Karate Kid at magkakaroon ng global auditions.
“The global search for the star of our new film starts right now. So let’s wax on, wax off, everybody,” ayon kay Ralph na patungkol sa iconic line ni Mr. Miyagi mula sa 1984 movie.
Isiningit naman ni Jackie ang kaniyang linya noong 2010: “You mean, jacket on, jacket off, hang it up?”
Ayon kay Ralph, “Maybe the new Karate Kid will have to do it all.”
Batay sa casting guidelines sa KarateKidCasting.com, hinahanap nila ang aktor na gaganap bilang Chinese o mixed-race Chinese na nasa edad 15 hanggang 17.
Dapat na mahusay sa Ingles, at magiging plus factor ang marunong ng Mandarin. Mas maganda rin kung marunong ng martial arts, movement, gymnastics, at dance.
Shooting will start March hanggang June 2024.
(RUEL J. MENDOZA)
-
2 milyon pa lang ang nabigyan ng Covid-19 booster sa PinasLakas campaign ng DOH
HIGIT 2 milyong katao pa lang ang nabakunahan ng booster shot sa ilalim ng PinasLakas campaign ng Department of Health. Nasa 2.1 milyon pa lang ang nakakuha ng booster shot sa loob ng 23 milyong target mabakunahan sa unang 100 days ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Oktubre. Nasa 25,638 pa […]
-
Slaughter, Aguilar medya pa lang ang pag-eensayo
NAG-BONDING na uli sa hardcourt ang ‘kambal na tore’ ng Barangay Ginebra San Miguel na sina Gregory William ‘Greg’ Slaughter at Japeth Paul Aguilar, ayon sa isang social media account post ng huli nito lang isang araw. Sa Instagram story ni Slaughter, 32, isang maikling clip na kinuhanan sa isang gym sa Pasig […]
-
42 grupo bilang partylist at koalisyon, pinapakansela ng Comelec
IPINAG-UTOS ng Commission en banc ang pagkansela sa registration at pagtanggal sa listahan ang 42 grupo bilang Partylist at koalisyon. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sa desisyon ng en banc ngayong araw , natuloy na bigong lumahok sa nagdaang dalawang eleksyon ang 11 organisasyon. Bigo namang makakuha ng dalawang porsyiemto ng […]