• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS

WALA umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.

 

Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.

 

Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang ‘unchanged’, o walang naganap na pagbabago sa kalidad ng kanilang pamumuhay, sa nakalipas na 12-buwan.

 

Nasa 30% naman ang mga Pinoy na nagsabi na lumala pa ang pamumuhay o tinaguriang ‘losers.’

 

Samantala, 28% naman ang mga Pinoy na naging ‘gainers’ o nagsabing naging mas maganda ang kanilang pamumuhay kumpara noong nakaraang taon.

 

Nabatid na ang September score ay 13 puntos na mas mababa kumpara sa very high na +11 noong Hunyo 2023 at nasa pinakamababa simula sa -2 noong Hunyo 2022.

 

Ang naturang survey ay isinagawa ng SWS sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 1,200 adults nationwide.

Other News
  • ‘Walang nabuhay’: 4 na pasahero ng Cessna crash sa Albay natagpuang patay

    HINDI nakaligtas ang ni isa sa mga pasahero ng maliit na eroplanong bumagsak malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon matapos silang matagpuang walang buhay, ayon sa isang local official nitong Huwebes.     Kasama sa apat na pasahero ng naturang Cessna 340 aircraft ang dalawang Australyano nang mawala ito nitong Sabado matapos lumipad mula sa […]

  • Nakikipag-mabutihang bansa lang ang Pilipinas sa China- Sec. Roque

    HINDI bahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China kundi nakikipag-mabutihang bansa lamang ang Pilipinas sa China.   Noong nakaraang Biyernes ay sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang magbayad ng Estados Unidos sa Pilipinas kung nais nitong nitong manatili ang tropang amerikano sa bansa.   Pumiyok ang Chief Executiive na hindi kayang magmatapang […]

  • Ads June 2, 2023