Task Force rerepasuhin ang transport distancing
- Published on September 18, 2020
- by @peoplesbalita
Bukas ang pamahalaan sa isang dialogue tungkol sa kanilang desisyon na bawasan ang physical distancing requirement sa mga public transportation na kung saan sinabi ng mga medical health experts na maaaring maging sanhi ng pagdami ng coronavirus infections.
Dahil sa kagustuhan muling buksan ang ekonomiya sa pamamagitan ng maraming available modes ng public transportation, hindi ibig sabihin na hindi na bibigyan ng pansin ang concerns ng health experts.
“We won’t be able to reopen the economy if we don’t increase our transportation. But of course we won’t play deaf to the opinions of our medical frontliners,” wika ni presidential spokesman Harry Roque.
Ayon kay Roque paguusapan ang issue ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ang physical distancing requirement sa mass transport ay hindi na hinigpitan simula pa noong Lunes sapagkat inaasahan na mas marami na ang mga tao ang papasok sa kanilng mga trabaho
Ayon sa Department Of Transportation (DOTr) ang one-meter physical distancing ay puede ng ibaba ng 0.75 m at .5 meters at hanggang .3 meters upang magkaron ng optimization ng ridership. It ay dahil na rin sa strict protocols na ginagawa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19 dahil sa paggamit ng mandatory face masks at face shields.
Samantala, ang mga doctors ay nag naglabas ng kanilang concerns dahil sa issue na ito at nagbigay sila ng babala sa mga commuters na magkaron ng one-meter distance sa mga pasahero.
Sinabi ni Roque na pinayagan ng IATF ang relaxed distancing requirement noong nakaraang Huwebes subalit hindi pa na ito nabibigay kay President Duterte.
“When it was approved, nobody objected because I was present in that meeting. So the objections came after it was announced by DOTr,” dagdag ni Roque.
Ayon sa kanya ang desisyon ng DOTr na magkaron ng relaxed na physical distancing sa mga public transportation ay dahil sa kagustuhan na rin ng mga tao.
“The request came from the public because we are already opening our economy. There is a need for individuals to be able to get to work,” ayon naman kay DOTr undersecretary Artemio Tuazon Jr.
Ayon kay Tuazon inutusan ni DOTr Secretary Tugade ang iba’t ibang sectors sa public transportation upang pag-aralan ang relaxed na social distancing na siya naman ginamit na batayan ng proposal ng IATF. (LASACMAR)
-
Tsina, itinanggi na pinopondohan ang ‘pro-China trolls’ sa Pinas
“CATEGORICALLY false and baseless.” Ganito kung ilarawan ng Tsina ang sinabi ng isang mambabatas na maaaring pinopondohan ng Beijing ang “destabilization efforts” sa Maynila sa pamamagitan ng online trolls. Sinabi ng Chinese embassy sa Maynila dapat na itigil ng mga Filipino politicians ang mga ganitong klase ng alingasngas na makapagpapaigting sa […]
-
P500 M revenues nawala sa programang Libreng Sakay ng MRT 3
NAWALAN ang pamahalaan ng P500 million na kita dahil sa ginawang programang Libreng Sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) na siyang nagtulak upang ihinto ng Marcos administrasyon ang nasabing programa. Ayon sa datos na naitala, ang pamahalaan ay nawalan ng P515.91 million na kita mula sa nasabing programa na […]
-
LeBron James posibleng makapaglaro na laban sa Boston Celtics
Posibleng makabalik na sa paglalaro si NBA star LeBron James matapos ang abdominal injury nito. Inaasahan kasi ng Los Angeles Lakers na makakasama na nila si James para sa pagbisita nila sa Boston Celtics. Itinuturing na mahalaga na makasama nila ang 17-time All-Star sa itinuturing nilang basketball rivalry sa kasaysayan ng […]