• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM bumiyaheng Dubai, dumalo sa COP28

NAGTUNGO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  Dubai kahapon Huwebes para lumahok sa 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) na gaganapin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 2.

 

 

Matatandaang inimbitahan ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Al-Zaabi si Marcos na dumalo sa COP28 sa kanyang courtesy visit sa Pangulo sa Malacañang noong Hunyo 13, 2023.

 

 

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng COP28 sa pagtukoy sa Pilipinas bilang isa sa mga pinaka-vulnerable na bansa sa epekto ng climate change sa mundo.

 

 

“And so, we must do our part here in the Philippines,” pahayag ni Marcos.

 

 

Ayon pa sa Pangulo, hindi lamang ang gobyerno ang may tungkulin sa climate change mitigation kundi ang bawat isang Filipino. (Daris Jose)

Other News
  • Top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA, nabitag sa Caloocan

    ISANG lalaki na kabilang sa top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA at listed bilang High Value Individual (HVI) ng Oriental Mindoro Provincial Police Office ang nasakote ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si John Paul Villafuerte alyas […]

  • Walang naiulat na Pinoy na apektado ng Hurricane Helene —PH Embassy

    SINABI ng Philippine Embassy sa Washington na wala pa itong natatanggap na anumang ulat na may mga Filipino ang naapektuhan ng Hurricane Helene sa US southeast.   Sa kasalukuyan, patuloy na naka-monitor ang Embahada sa situwasyon kasama ang Philippine Honorary Consulates sa Florida at Georgia.   Nananatili naman itong handa na magbigay ng anumang kakailanganing […]

  • Daniel Quizon, tinanghal bilang pinakabagong chess GM

    TINANGHAL bilang pinakabagong Chess Grand Master ng bansa ang 20-anyos na binata mula sa Cavite na si Daniel Quizon.   Nakamit nito ang nasabing Grand Master rank ng maabot ng 2,500-rating barrier at matapos na talunin niya si Russian-born Monegasque GM Igor Efimov.   Si Quizon ang pinakahuling Pinoy Grand Master kasunod nina Oliver Barbosa […]