• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mekaniko kalaboso sa 3 nakaw na motorsiklo

KULONG ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, Lot 18, Package 3, Brgy. 176, Bagong Silang.

 

Ayon kay NPD District Anti- Carnapping Unit (DACU) chief P/ Maj. Jessie Misal, unang i-nireport sa kanila ng mga biktimang si Rose Marie Busa, 23 ng Phase 7-C, Brgy. 176, at Jeno Ponce, 28, fast food crew ng Sto. Ñiño, Maligaya Street, Brgy. 177, kasama ang dalawang saksi ang pagkawala ng kanilang mga motorsiklo habang nakaparada sa labas ng kanilang bahay.

 

Sa isinagawang imbestigasyon ay nakilala ang suspek kaya’t kaagad sinalakay ng mga pulis ang kanyang bahay kung saan namataan ni Busa ang kanyang motorsiklo na sinasakyan ni Sinepete.

 

Nang mapansin ng suspek ang presensya ng mga pulis ay agad itong humarurot papasok sa kanilang compound kung saan siya nakorner at doon nakita ang dalawa pang nakaw na motorsiklo.

 

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti-Carnapping Law of 2016) habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng kanyang dalawang kasabwat. (Richard Mesa)

Other News
  • Toll fees sa NLEX at SCTEX magiging ‘cashless’ na

    Magiging ‘cashless’ na ang lahat ng mga toll lanes ng dalawang pangunahing tollways sa Northern Luzon dahil sa pagpapatupad ng RFID stickers.   Ayon sa Metro Pacific Tollways Corp., ang nag-ooperate ng North Luzon Expressways at Subic-Clark-Tarlac Expressway, magsisimula ang nasabing cashless tollway bago ang Nobyembre 2.   Ang nasabing hakbang ay para maiwasan na […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 20) Story by Geraldine Monzon

    DAHIL bigo ang mga naunang plano ay nagdesisyon na si Cecilia na aminin ang kanyang nararamdaman para kay Bernard.   Muntik nang maibuga ni Bernard ang hinigop na kape nang biglang lumuhod sa harapan niya si Cecilia at umiiyak na nagsabi.   “Mahal kita Sir Bernard. Mahal po kita. Huwag mo po akong iwan!”   […]

  • TOP DRUG PERSONALITY NG NPD NA LIDER NG “ONIE DRUG GROUP”, TIMBOG SA BUY-BUST

    NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 1 drug personality ng Northern Police District (NPD) na lider din ng “Onie Drug Group” at kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.   Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong mga suspek na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, (Watchlisted) No. 1 […]