• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng sakay mananatili sa gitna ng welga sa transportasyon

SA ISANG pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay sinabi ng ahensiya na patuloy pa rin na manantili ang libreng sakay na binibigay ng national at lokal na pamahalaan kapag patuloy na magkakaron ng welga ang mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila.

 

 

 

“The LTFRB will coordinate with concerned agencies and local government units (LGUs) as standard operating procedure during transport strike,” wika ng LTFRB.

 

 

 

Pinakiusapan naman ng LTFRB na huwag pigilan at gambalin ang mga drivers ng mga PUJs na gustong pumasada kahit na may welga.

 

 

 

“They are making a living as they need to provide for their families and wish to help and provide transport to commuters,” saad ng LTFRB.

 

 

 

Nagpahayag ang LTFRB ng ganitong pakiusap matapos ang isang interview na ginawa kay Manibela president Mar Valbuena na nagsabing patuloy silang maglulunsad ng protesta upang hindi sangayunan ang deadline na binigay ng LTFRB  kahapon para sa consolidation sa ilalim ng PUV Modernization Program.

 

 

 

Nagkaroon ng welga ang dalawang grupo ng PISTON at Manibela mula noong nakaraang Nov. 20 hanggang 24 upang iprotesta ang nasabing deadline sa consolidation sa ilalim ng PUVP ng pamahalaan.

 

 

 

Nakipag-usap naman sa dalawang grupo ang LTFRB kung saan napagkasunduan na aalisin ang mga penalties sa mga PUV drivers at operators, palalawigin ang validity ng prangkisa hanggang limang (5) taon, at pag-aalis ng ibang provisions sa Omnibus Franchising Guidelines (OFG) sa ilalim ng PUVMP.

 

 

 

Subalit sinabi ng LTFRB at Department of Transportation (DOTr) na “non-negotiable” ang deadline sa consolidation ng PUVMP. LASACMAR

Other News
  • ANGELICA, desidido na talagang mag-retire sa paggawa ng teleserye; focus na lang sa movie at lovelife

    DESIDIDO na ang 33-year-old actress na si Angelica Panganiban na mag-retire na siya sa paggawa ng teleserye.     Noon pang September 2020 unang sinabi ang bagay na ito ni Angelica at inulit niya muli ngayon.          “Hindi iyon overnight decision,” sabi ni Angelica sa isang interview.     “Ilang taon ko rin […]

  • Philippine mens’ football team nanawagan ng suporta sa nalalapit na ASEAN Cup

    MAAGANG naghahanda na ngayon ang Philippine Men’s Football team para sa pagsabak nila sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup 2024.     Sa darating kasi ng Disyembre 12 ay makakaharap nila ang Myanmar habang sa Disyembre 18 naman ay ang Vietnam na kapwa ito gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.     Habang mayroon din silang mga […]

  • Pinagbigyan na rin ang request ng followers: BEA, umamin na siya ang nag-initiate ng ‘first kiss’ nila ni DOMINIC

    MAY pakilig si Bea Alonzo sa  bagong upload niya sa kanyang YouTube account.   Pinagbigyan na nito ang matagal nang nire-request sa kanya ng mga subscribers na interbyuhin si Dominic Roque.     Mas seloso daw si Dominic sa kanilang dalawa. Pero ayon kay Bea, ang pinagseselosan daw ni Dom ay hindi tao o lalaki, kung […]