Excavation activities ng Manila Water tigil muna sa panahon ng holiday
- Published on December 6, 2023
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE muna ng Manila Water ang ginagawang excavation activities sa mga pangunahing lansangan sa East Zone ng Metro Manila bilang pagtalima sa government resolution hinggil sa paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan.
Unang nagpalabas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Memorandum Circular No. 15 Series of 2023, na nag-uutos ng temporary suspension sa road works sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila tulad ng road reblocking, pipe laying at road upgrading activities bilang bahagi ng kampanya na maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko tuwing holiday season.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Manila Water na patuloy na magiging sapat ang suplay ng tubig 24/7 sa mga customers sa east zone ng Metro Manila.
Kasalukuyang ginagawa ng Manila Water ang pipe relocation at replacement works sa EDSA kanto ng J.P. Rizal Street, Orense sa Makati City at sa Cubao, Quezon City upang bigyang daan ang construction ng Department of Transportation’s EDSA Greenways Project Package 1.
“These initiatives show our commitment not only to provide the best services to our customers, but also to help the government in speeding up and pursuing worthwhile projects for the benefit of the public, and to contribute to the growth of the economy as well.” sabi ni Jeric Sevilla, Manila Water Corporate Communication Affairs Group Director.
-
NABAKUNAHAN SA COVID, WALANG NARAMDAMANG ADVERSE EFFECT
WALANG naramdamang anumang adverse effects ang ilang mga opisyal ng gobyerno at mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) na nabakunahan ng Sinovac vaccine kahapon ng umaga sa naturang ospital. Ito ang pahayag nina PGH Dir. Dr. Gap Legaspi, Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Eric Domingo at MMDA Chairman Benhur Abalos, makaraang […]
-
Pinas, kinondena ang ballistic missiles na inilunsad ng North Korea
NAKIISA ang gobyerno ng PIlipinas sa mga member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagkondena sa ginawang paglulunsad ng North Korea intercontinental ballistic missile patungo sa dagat ng Japan. Ang pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay bago ang kanyang naging talumpati sa isinagawang pulong ng Asia Zero […]
-
PAULO, tinatawanan na lang ang wild comments tulad ng “sa akin ka na lang” at “anakan mo ko”
ISA sa mga artista na aktibo sa kanyang Twitter account si Paulo Avelino. Kung tutuusin nga, parang iba ang nakikitang personality sa kanya sa Twitter at kung titingnan siya na parang seryoso naman sa totoong buhay. May pagka-witty at randomly, may mga nirereplayan talaga siyang mga fan na nagtu-tweet. […]