• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasong kriminal at administratibo ihahain kina PhilHealth President at CEO Morales at iba pa

INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng  task force PhilHealth na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. Ricardo Morales at ilang  executives kaugnay sa iregularidad sa state insurer.

 

Mismong si Pangulong Duterte  ang nagbasa ng rekomendasyon ng  task force sa public address nito, Lunes ng gabi.

 

“I’m sorry for them but they will have to undergo trial,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng  task force on PhilHealth.

 

Kabilang sa mga sasampahan ng kasong kriminal at administratibo  ay sina Morales, Senior Vice President (SVP) Jovita Aragona, Officer in Charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco Jr., SVP Israel Pargas, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus, at Division Chief Bobby Crisostomo.

 

Sinabi naman ng Department of Justice  na isinumite ng task force ang kanilang report kay Pangulong Duterte araw ng Lunes.

 

Kasama sa mga alegasyong korapsyon na binanggit ng task force ang procurement ng overpriced IT equipment; kwestyunableng paglalabas ng funds sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM); at umano’y manipulasyon ng financial status ng korporasyon.

 

Mababatid na tinapos na ng Senate Committee of the Whole ang sarili nilang imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth at inirekomendang kasuhan sina Health Secretary Francisco Duque III, ai Morales, at iba pang top-ranking officials ng ahensya dahil sa misuse ng mga pondo sa ilalim ng emergency cash advance measure. (Daris Jose)

Other News
  • Pinay figure skater wagi ng gintong medalya sa 2022 Asian Open Figure Skating Trophy

    Nagwagi ng gintong medalya ang Filipina figure skater Sofia Frank sa Asian Open Figure Skating Trophy.     Naganap ang nasabing torneo sa Indonesia kung saan mayroong kabuuang points ito na 143.97.     Nakakuha ito ng 50.19 points sa Short Program at 93.78 naman sa Free Skating.     Nasa pang-pitong puwesto naman ang […]

  • Caloocan LGU, pinalakas ang partnership sa local cooperatives

    PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng Cooperative Development and Coordinating Division (CDCD), ang pagdiriwang ng taunang Cooperative Month ngayong Oktubre na may iba’t ibang aktibidad na nakahanay upang kilalanin ang mga kontribusyon ng mga kooperatiba sa paglago ng ekonomiya ng lungsod, tulungan sila sa mga kinakailangan para sa pagpaparehistro sa iba’t ibang […]

  • Sec. Lorenzana, pinabulaanan ang ulat na magkaiba sila ng ‘tono’ ni PDu30 sa usapin ng incursion ng China sa WPS

    PINABULAANAN ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang ulat na taliwas ang kanyang mga pahayag sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng incursion o pagsalakay ng China sa West Philippine Sea (WPS).   Aniya, ang naging kautusan ni Pangulong Duterte sa defense department hinggil sa WPS ay […]