• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,821 bagong COVID-19 cases naitala nitong nakaraang linggo — DOH

LUMOBO  nang 36% ang nahawaan ng COVID-19 habang sumisipa ang influenza-like illnesses sa paglapit ng Pasko, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).

 

 

Umabot sa 1,821 bagong kaso ng nakamamatay na virus ang naitala mula ika-5 hanggang ika-11 ng Disyembre, mas mataas kumpara sa 1,340 noong nakaraang linggo:

 

daily average cases: 260

bagong severe at critical cases: 13

kamamatay lang noong nakaraang linggo: 13

 

 

“Sa 13 namatay, tatlo ang nangyari nitong Disyembre 2023 at 10 naman nitong NObyembre 2023,” ayon sa DOH ngayong Martes sa Inggles.

 

 

“Noong ika-10 ng Disyembre 2023, mayroong 228 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.”

 

 

Ang paglobo ng mga kaso ay nangyayari habang inaasahan ng DOH ang pagtaas ng ILIs sa mga susunod na araw at linggo.

 

 

Sinasabing 176 o 13.6% ng 1,298 na intensive case unit beds para sa mga COVID-19 patients ang okupado sa ngayon.

 

 

Nangyayari ito ngayong 78 milyong indibidwal o 100.44% na ng target population ang bakunado laban sa COVID-19 habang 23 milyon naman ang naturukan na ng booster shots.

 

 

Gayunpaman, 7.1 milyong senior citizens pa lang, o 82.16% ng target A2 population ang nabigyan ng primary series. Sila ang sinasabing pinakabulnerable sa matitinding sintomas ng sakit.

 

 

Ayon sa DOH, umabot na sa 4.12 milyong kaso ng COVID-19 ang naitatala ngayon sa bansa simula nang makapasok ang virus sa Pilipinas noong 2020.

 

 

Nanatiling 3,876 sa mga kaso ang nagpapagaling pa rin habang 66,779 ang patay na sa virus. Sa kabutihang palad, 4.05 milyon ang nag-recover na sa naturang sakit. (Daris Jose)

Other News
  • Babala ng Pangulo kay Robredo kapag tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 election, “waswasan kita”

    BINALAAN  ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte si Vice-President Leni Robredo na  kapag tumakbong pangulo ang huli sa 2022 election ay marami siyang sasabihin dito.   “Marami ako sabihin sa’yo. Reserba ko na lang. When you start your campaign, ‘waswasan’ kita. This is your nightmare,” banta ni Duterte na matatapos ang termino sa June 2022.   […]

  • JANE, pinangarap talaga na makapasok sa teleserye ni COCO kaya okay lang kahit maging kontrabida

    KALABAN ba o kaaway ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang karakter na ginagampanan ni Jane de Leon?     Dream come true para kay Jane na makabilang sa long-running series na FPJ’s Ang Probinsiyano at napapanood sa Kapamilya Network. She is playing the role of Captain Lia Mante, na isang sniper sa serye.     […]

  • Libreng happy meal pinamigay sa mga batang Navobakunado

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng Happy Meals sa mga kabataang Navoteño na 5 hanggang 11 taong gulang na nabakunahan na kontra sa COVID-19.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, araw-araw ang kanilang ginagawang pamimigay libreng pagkain na ito sa mga bakunadong kabataan upang maging masaya ang mga ito at hindi matakot […]