• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sky Candy nangibabaw

HINDI naglaho ang galing ni Sky Candy na nirendahan ng class A na hineteng si JA Guce, maski matagal na nabakasyon pinamayagpagan nitong Linggo ang PHILRACOM-RBHS Class 3 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 

Dinamba ura-urada ng nasabing kabayo ang primera pagkalabas ng aparato, paentra ng far turn, humirit sina Refuse To Lose at Kaka And Bachi sa paghablot sa trangko. Pero parehong bulilytaso sa winning horse, na ang may ari’y kumite ng P20,000 na cash buhat sa Philippine Racing Commission.

 

“Iba talaga ang husay ni Sky Candy pang stakes race, kahit matagal natengga hindi nagbago ang porma,” masayang dada ni Peter Gallardo, isang taga-Carmona na mananaya.

 

Pumangalawa si Two Timer, pumangatlo si Refuse To Lose, samantalang pumang-apat si Kaka And Bachi sa unang karera sa SLLP sapul nang mahinto noong Marso dahil sa pandemya. (REC)

Other News
  • DIVI MALL GIGIBAIN, VENDORS ILILIPAT SA PRITIL MARKET

    NAKATAKDANG ilipat ang may 500 manininda na nakapuwesto sa Divisoria Public Market na nakatakdang gibain ngayong taon.     Ayon kay Manila City Administrator Felixberto Espiritu, sa oras na matapos ang konstruksiyon sa ikalawang palapag ng Pritil Market ay maaari nang lumipat ang mga nasabing vendors na magmumula sa Divisoria Public Market ng Divisoria Mall, […]

  • Flood control project ng MMDA nakumpleto na

    NATAPOS na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021.     Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA, ang naka-program na 59 […]

  • Proklamasyon ng mga nanalong party-list, sabay-sabay na ipoproklama sa Mayo 25 – Comelec

    POSIBLENG sabay-sabay na ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga nanalong party-list groups.     Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, kapag natapos na raw ang special elections sa Lanao del Sur at kung hindi na makakaapekto sa bilangan ang mga certificate of canvass mula sa Shanghai sa China […]