• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CARDINAL TAGLE NAKUHA ANG COVID SA EROPLANO O AIRPORT

MALAKI ang paniniwala ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na nakuha ni Cardinal Luis Antonio Tagle, nagpositibo sa COVID-19,ang virus sa eroplano o sa paliparan.

 

Ito ang inihayag ni Acting CBCP President Pablo David ,dahil nag negatibo naman si Tagle sa swab test na isinagawa sa Rome noong Setyembre 7.

 

Hindi naman kasi maiwasan ni Tagle ang makipaghalubilo sa mga tao bilang kilalang mataas na opisyal sa Vatican.

 

Nalaman na umuwi sa Pilipinas si Tagle para dalawin ang kanyang mga magulang sa Imus ,Cavite pero hindi pa niya ito magagawa dahil kinakailangan na sumailalim siya sa 14 na araw na quarantine period .

 

Nabatid na asymptomatic naman ang Cardinal at walang nararamdaman na sintomas ng COVID-19 sa katawan.

 

Gayunman, patuloy na humihingi ng panalangin sa publiko ang CBCP para sa paggaling ni Cardinal Tagle.

 

Nalaman sa hanay ng CBCP, may lima na ang dinapuan ng COVID-19, kabilang na ang namayapang si Emeritus Arch.Oscar Cruz. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Galvez, nahhirapang makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, gamot para sa covid 19 patient

    INAMIN ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na wala itong magawa at nahihirapan na makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, ginagamit para gamutin ang isang COVID-19 patient, bunsod ng global shortage ng gamot.   Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Huwebes, sinabi ni Galvez na idinulog na nila […]

  • 3 bagong COVID-19 variants pinangangambahan

    TATLONG  bagong va­riants ng COVID-19 na tinatawag na Deltacron o Delmicron, Flurona at IHU ang pinangangambahan ngayon na kumalat makaraang matuklasan sa Europa at Amerika.     Agad namang pinawi kahapon ng Department of Health (DOH) ang pa­ngamba sa mga Pilipino sa pagsasabing wala pa sa Pilipinas ang naturang mga variants.     “Currently, no […]

  • P2.7 milyon halaga ng shabu nasabat sa buy bust sa Navotas

    Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa P2.7 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang drug pusher na natimbog sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Crisanto Lazaro, 39 ng 300 Roldan St.Brgy. Tangos South. […]