• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50K jeepney drivers sa Metro Manila mawawalan ng trabaho — Manibela

POSIBLENG umabot sa 50,000 jeepney drivers sa Metro Manila ang hindi na makabiyahe at tuluyang mawalan ng trabaho sa pagsisimula ng taong 2024.

 

 

Sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena, ito na umano marahil ang pinakamalungkot na Pasko sa hanay ng libu-libong mga jeepney dri­vers ngayong taon dahil bubulagain sila ng ‘jobless’ na status sa Bagong Taon.

 

 

Ito’y sanhi ng pagtanggi ng mga jeepney drivers at ng kanilang mga operators sa ‘franchise consolidation’ matapos magbigay ng ultimatum ang gobyerno na hanggang Disyembre 31, 2023 sa PUV Modernization Program.

 

 

Aminado si Valbuena na lubhang napakahirap ng sitwasyon ng mga jeepney drivers at mga operators dahil masyado umanong mahal ang ipinagpipilitan sa kanilang bilhin na mahigit P2 mil­yong modernong jeepney na kung tutuusin ay mga mini bus na gawang China.

 

 

Sinabi ni Valbuena na inamin na ng mga operators na hindi nila kayang bilhin ang napakamahal na modernong jeepney na bago pa umano mabayaran ng buo ay sira na dahil mahinang klase ito o palpak ang kalidad na laging suki sa talyer kaya malulugi lamang ang mga bibili nito.

 

 

Bukod dito, ang operators ay kailangang may 15 units ng nasabing modern jeepney at dito’y mas mapapaboran aniya ang mga malalaking negosyante.

 

 

Ayon pa kay Valbuena, namemeligrong hindi na makabiyahe pa sa Metro Manila ang nasa 50,000 jeepney units gayundin ang iba pang mga UV Express Units bilang resulta ng PUV Modernization Program.

 

 

Kaugnay nito, kaliwa’t kanang kilos protesta ang nakatakdang isagawa ng transport groups bilang protesta sa PUV Modernization Program na anila’y anti-poor. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr, nagpaliwanag sa pagsasapribado ng NAIA

    NAGPALIWANAG si  Department of Transportation Secretary Jaime Bautista hinggil sa ulat na pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     Sa idinaos na press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Bautista na walang mangyayaring pagbibigay sa pribadong sektor sa asset ng NAIA dahil  ipapaubaya lamang ang management sa operasyon sa pamamagitan ng concession agreement.   […]

  • DOLE mamimigay ng libreng bisikleta sa mga displaced workers na interesado sa delivery service

    MAMIMIGAY ang Department of Labor and Employement (DOLE) ng bisikleta sa buong bansa para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho pero nais maging delivery service riders sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Karina Perida-Trayvilla, nakatakdang ilunsad ang programang ito sa susunod na linggo.   Aabot sa […]

  • PROBLEMA NG TRANSPORT SECTOR PINATUTUKAN KAY PBBM

    ILANG  araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sama-samang nanawagan ang mahigit sampung malalaking transport organizations at cooperative kay Pangulong Marcos na agarang resolbahin ang ibat ibang problemang bumabalot sa sektor ng transportasyon.     Sa isang press conference, lumantad sina Pasang Masda National President Roberto Martin upang […]