• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, mananatiling ligtas na lugar para sa LGBTQ+ community-Sec. Roque

MANANATILING ligtas sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgendered and Questioning (LGBTQ+) community ang bansa sa kabila ng paggawad ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

 

” Naparusahan po si Pemberton at bagama’t nakaalis na po siya ng bansa, hindi po siya umalis bilang isang desirable alien,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Sa katunayan aniya ay sapilitang  itinapon ng Pilipinas si Pemberton pabalik sa kanyang bansa, sa Estados Unidos.

 

” iyan po iyong ibig sabihin ng ‘deportation’. Sapilitan po iyan, hindi po siya voluntarily lumayas. Pinalayas po natin siya as an undesirable alien dahil siya po’y convicted killer,” anito.

 

Ang binura lamang aniya ng Pangulo kay Pemberton ay  ang balanse ng kaniyang pagkakakulong kung mayroon pa pero hindi aniya  nabura ang  katotohanan na convicted killer  si Pemberton.

 

“Kahit saan po siya makarating sa mundong ito, mayroon pa ring bansag sa kaniya – convicted killer, Pemberton,” diing pahayag ni Sec. Roque.

 

Si Pemberton ay nauna nang pinagkalooban ni Pangulong Duterte ng absolute pardon makaraang mahatulang guilty sa pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014 sa Olongapo City. (Daris Jose)

Other News
  • PhilHealth, dapat bayaran ang P18B utang

    Dapat munang bayaran ng Philippine Health Insurance Corp ang P18 bilyong reimbursement claims ng mga pribadong ospital, ayon sa mambabatas.   Batay kay Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, sa datos ng Philippine Hospitals Association of the Philippines (PHAP) ay may utang ang Philhealth na P14 bilyon noong December 2018 at P4 […]

  • Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo

    Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo.     Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at […]

  • PEKENG OPTOMETRIST, INARESTO NG NBI

    INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pekeng Optometrist sa Iriga City     Ang pagkakaaresto kay Josephine Nazarrea y Balang ay bunsod sa reklamo ng  Integrated Philippine Association of Optometrists, Inc. (IPAO)-Camarines Sur dahil sa pagpa-practice nito ng Optometry sa  N. Balang Sagara Optical Clinic sa  New Iriga City Public Market.   […]