• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online scams talamak, publiko mag-ingat – DILG

PINAG-IINGAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko sa patuloy na pagdami ng mga online scams ngayong holiday season.

 

 

Sa pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos, pinayuhan nito ang publiko na manatiling alerto laban sa online scams na mananamantala ng mga mamimili o consumers.

 

 

Ani Abalos, maaaring i-report ang online scams sa pamamagitan ng website na www.scamwatchpilipinas.com. na bagong website kung saan madaling maipapaabot ang reklamo ng direkta sa Inter-agency ­Response Center (I-ARC) ng gobyerno na pinapatakbo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

 

 

Dito rin makikita sa homepage ang hotline number na 1326 na maaaring tawagan para i-report ang online scams o sa pamamagitan ng pag-click ng messenger button sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation & Coordinating Center messenger.

 

 

Ang I-ARC na nasa National Cybercrime Hub ay isang task force na binuo para maging sentralisado ang pag-uulat ng cybercrime sa gobyerno na kinabibilangan ng National Privacy Commission (NPC), National Telecommunications Commission (NTC), Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at National Bureau of Investigation Cybercrime Division bilang enforcement arm.

 

 

Dagdag pa ni Abalos, kailangan din aniya ang  kooperasyon ng mga consumers upang  mahuli at makasuhan ang mga  scammers na patuloy sa pagdami at hindi alintana ang panlalamang  at panloloko sa  publiko.

 

 

Ang mga verified complaints lamang ang kanilang mga aaksiyunan upang tuluy-tuloy na masampahan sa korte at maipakulong.

Other News
  • 50 percent ng target population sa NCR fully vaccinated na vs COVID-19 – MMC

    Aabot na sa 50 percent ng eligible population sa Metro Manila ang fully vaccinated na kontra COVID-19, ayon kay Metro Manila Council and Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.     Nasa 70 percent naman ng tinatayang 10 million adult population sa National Capital Region (NCR) ang naturukan ng first dose.     Tuloy-tuloy pa rin […]

  • PNP nagbabala sa publiko laban sa crypto investment scam

    NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa mga naglipanang crypto investment scam.     Ito’y kasunod sa pag-release ng government and private companies ang bonuses at 13th month pay ng mga empleyado.     Ayon sa PNP, pinaigting na ng ilang mga indibidwal at maging ng ilang grupo ang kanilang modus […]

  • Manliligaw, parang kabute na lulubog-lilitaw: QUEENAY, araw-araw at gabi-gabing dinarasal-dasal na magka-boyfriend

    PORMAL na ngang ni-launch ang newest beauty brand na Jullien Skin ang kanilang much-awaited rejuvenating set na kung saan ina-assure ang mga Filipino consumers ng healthy and radiant skin without breaking the bank.     Ang Jullien Skin Rejuvenating Set, ay naglalaman ng Kojic cleaning soap, rejuvenating toner,  hydrating sunscreen, at rejuvenating night cream, na […]