Kaabang-abang ang pagsasama nila Coco: ALDEN, napagod na sa isyung pinagdududahan ang kanyang pagkalalaki
- Published on January 5, 2024
- by @peoplesbalita
SA recent vlog ni Toni Gonzaga na may titulonh “What Alden Is Tired Hearing About,” hinahayaan na lang ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards kung ano ang gustong isipin ng mga tao tungkol sa kanya.
Ayaw na ngang pansinin ng Kapuso actor ang isyu na patuloy na pinagdududahan ang kanyang gender identity dahil sa hanggang ngayon loveless pa rin siya.
“Kung sa tingin niyo bading, fine,” pahayag ni Alden.
“Ang iniisip ko nga minsan, kapag may ganu’ng mga rumors, wala na bang iba?” sabi pa niya.
“‘Yung judgment call sa gender ng mga kalalakihan sa industriya natin, ang dali because of that fact (na wala siyang girlfriend).
“But, ako, parang, pupunta ba ako sa route na ‘yon dahil gusto ko lang mang-please?” dagdag pa niya.
Ayaw na ngang pansinin ni Alden ang naturang isyu dahil kontento na siya sa kanyang buhay, kahit wala pa siyang girlfriend.
“I’m happy, perfectly happy with what I have, what I’m able to do at the moment, I seize every opportunity, sayang eh, there’s time for that,” pahayag pa niya.
Sa naturang interview ni Toni, muling sinagot ni Alden na wala silang anak o love child ni Maine Mendoza na kanilang itinatago sa publiko. Hindi rin totoo na ikinasal sila.
Nagkaroon daw sila ng heart to heart conversation ni Maine bago ito nagpakasal kay Cong. Arjo Atayde noong July 28, 2023 sa Baguio City. At nasabi naman niya ang gustong sabihin.
At makikita naman ngayon na masaya na nga ang dating ka-loveteam sa buhay may asawa.
Pag-amin pa ni Alden tungkol naman sa phenomenal tandem na AlDub, “you know going back, sometimes before I go to sleep. I still, sinisilip ko pa rin ‘yun clips ng Kalyeserye.
“Nakatutuwa kasi, malaking blessings kasi ‘yun para sa amin. Grateful talaga kami, sobra.”
Parang napagod daw siya sa pag-a-address sa bashing. Kaya wala raw sinagot sa mga namba-bash, lalo na post at kung meron man sa 13 years niya sa showbiz at mabibilang sa kanyang kamay.
Inamin din ni Alden na, “I’m a pleaser. Sobra, by all means. Sa work, how I handle my people?
“Kaya minsan ‘pag may mga events or public gatherings, minsan sincerity and authenticity ko naku-question. Na parang ang plastic ko raw.”
Na-burnout din si Alden sa noong 2016 hanggang 2017, na umabot pa raw ng 2018.
“For three months straight, tumutuhog po ako ng commercials. Yes, you grateful, for sure you have that feeling sometimes na, ‘Is this the price I have to pay?’ Na papatayin ko ang sarili ko sa trabaho, dahil tanggap ako ng tanggap.”
Hindi rin niya malilimutan ang sinabi ni Mr. Tony Tuviera na, “ang labanan sa showbiz industry, hindi pasikatan, kundi pahabaan. At hindi rin paramihan ng trabaho, kundi hanggang kailan ka nandyan.”
Samantala, nitong January 2, ipinagdiwang ng Kapuso star ang kanyang 32nd birthday.
Last year, nakadalawang pelikula si Alden nitong 2023 ang pelikulang pinagbidahan nila ni Julia Montes na “Five Breakups and A Romance,” at ang Metro Manila Film Festival entry na “Family of Two” na kasama si Sharon Cuneta, na naging instant mommy niya at ganun nga sila ka-close ngayon.
Ngayong 2024, dapat abangan si Alden sa upcoming historical drama ng GMA Network na “Pulang Araw,” kasama sina Sanya Lopez, Barbie Forteza, at David Licauco.
First time ding magdi-direk si Alden, sa pelikulang pagsasamahan nila ni Heaven Peralejo na may working title na “Out of Order.”
At bago nga natapos ang taon, lumabas na posible silang magsama ni Coco Martin sa isang dramatic film collaboration.
At dahil nga sa pagtatambal nila ni Julia sa movie, ay naging close din siya kay Coco, at ito ang aabangan natin sa kung magkakatotoo at makakapasok ang movie nila sa 50th Metro Manila Film Festival.
(ROHN ROMULO)
-
6 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust
ANIM na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot ang nalambat matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City. Ayon kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, dakong 7:10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) […]
-
Bagong mag-aawit may connect kay Pres. Aguinaldo: LIZZIE, kasama sana sa reunion movie nina VILMA at CHRISTOPHER
SA true lang, ang bongga ng launching ng first single ng newest singer ng Star Music na si Lizzie Aquinaldo. May titulo itong “Baka Pwede Na”, na nilikha ng award-winning songwriter at film director din na si Joven Tan. Na siya rin ang nagdirek ng ginastusang music video na hinangaan ng mga dumalong press people. […]
-
PBBM, madamot na magbigay ng komento sa isyu ng speakership sa Kongreso
HANGGANG sa ngayon ay madamot pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng komento sa isyu ng liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng umugong na balita na plot o planong patalsikin si Speaker Martin Romualdez sa posisyon nito. “I won’t make any comments about the speakership, as of […]