ENVIRONMENT GROUP NAGPROTESTA KONTRA SA DOLOMITE DUMPING
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
IGINIIT ng ilang environmental group ang pagpapatigil sa pagtatambak ng dolomite sa may 500 metro ng Baywalk sa Manila Bay.
Dakong alas-8:00 ng umaga nang magsagawa ng kilos protesta ang ilang kinatawan ng Pamalakaya, Nilad, Manila Baywatch, at Baseco Peoples’ Alliance.
Bitbit ang mga placards na nagsasasaad “Rehabilitasyon sa Manila Bay,hindi white sand” , ” Itigil ang reklamasyon”.
Ayon sa grupo ang gusto nila ay iyon totoong rehabilitasyon ng Manila Bay na maaring pagkunan ng kabuhayan ng mga mangingisda at pagkain sa mga tao.
Nais umano nilang malinis at maibalik sa dating anyo ang Manila Bay at hindi para tambakan ng dolomite white sand.
Nakasakay ng mga bisekleta at nag jo-jogging ang grupo na nanawagan para itigil ang paglalagay ng dolomite sand sa Manila Bay. (GENE ADSUARA)
-
PSC Chairman Dickie Bachmann pangako ang suporta para sa Pinoy atleta ng swimming
BINISITA kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard “Dickie” Bachmann si Olympian Kayla Sanchez at ang national water polo team na pukpukan sa kanilang training sa loob ng PhilSports Complex. Tiniyak ni Bachmann sa mga atleta, partikular sa national swimmers, ang all-out support ng PSC para sa mga ito na naghahanda sa 32nd […]
-
PNP nagbabala sa publiko laban sa crypto investment scam
NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa mga naglipanang crypto investment scam. Ito’y kasunod sa pag-release ng government and private companies ang bonuses at 13th month pay ng mga empleyado. Ayon sa PNP, pinaigting na ng ilang mga indibidwal at maging ng ilang grupo ang kanilang modus […]
-
Valenzuela pangalawa sa NCR Top Performing LGUs sa Local Revenue Generation
MULING kinilala ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng Department of Finance ang Valenzuela City para sa tax collection efficiency ranking nito sa Fiscal Year 2021 sa ginanap na pagdiriwang ng BLGF’s 35th Anniversary sa Philippine International Center (PICC). Ito’y matapos masungkit ng lungsod ang pangalawang Performance Area (PA) Nos. 2 — […]