• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May nagpapa-deliver ng food at may nagluluto: JILLIAN, umamin na dalawa sa kasama sa serye ang nagpaparamdam

DALAWA sa co-stars ni Jillian Ward sa Abot Kamay Na Pangarap ang nagpaparamdam sa magandang Kapuso young actress.

 

Sa guesting kasi ni Jillian sa Sarap, ‘Di Ba? ay tinanong ni Carmina Villarroel siya kung totoo bang may nagpaparamdam o nagpapa-cute sa kanya sa Abot-Kamay na Pangarap?”

 

 

Dito na nabanggit ni Jillian ang napapansin niya sa dalawang male stars na ito na hindi niya pinangalanan.

 

 

Lahad ni Jillian, “Ano po kasi, ayoko pong mag-assume pero kunwari po may magme-message na ‘I miss you.’ “Tapos binibilihan po ako ng food. Pag may nababanggit po ako na any food nasa harapan ko na po after a while.

 

 

“Yung isa naman po nagluluto.”

 

 

Pagkagulat ang naging reaksyon ni Carmina sa rebelasyon ni Jillian.

 

 

“Wait, yung isa nagluluto so dalawa sila? Dalawa sa show natin,” bulalas ni Carmina na incidentally ay gumaganap na ina ni Analyn Santos (Jillian) na si Lyneth sa Abot Kamay Na Pangarap.

 

 

Depensa naman ni Jillian, baka naman raw nakikipagkaibigan lamang ang mga ito sa kanya.

 

 

“Hindi ko po alam. Baka kasi po friendly.

 

 

“Ano lang po parang sinasabi niya nag-e-enjoy siya na kasama ako, may mga ganoon po.”

 

 

***

 

 

UMAMIN ang Metro Manila Film Festival o MMFF Best Actor na si Cedrick Juan na nag-attempt siya na manligaw dati sa Kapuso actress na si Analyn Barro.

 

 

Lahad ni Cedrick, “Hindi ko po siya talaga niligawan. I think I just tried, pero hindi siya nag-work.

 

 

Naganap ang pagtatapat ng aktor sa Fast Talk With Boy Abunda.

 

 

Sa kabila ng pagkakaudlot ng panliligaw niya sa dalaga, naging magkaibigan sina Cedrick at Analyn.

 

 

“Pero super friends lang kami. Yeah, friends pa rin kami. Pero hindi talaga iyon nagkaroon ng official na exclusively dating,” pagbabahagi pa ni Cedrick.

 

 

Sa isang guesting naman ni Empoy Marquez sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ng komedyante na crush niya si Analyn na nakatrabaho niya sa Bubble Gang.

 

 

So handa ba si Cedrick na harapin si Empoy?

 

 

“Grabe wala akong laban kay Empoy! Yung humor. Iba, iba si Empoy,” pahayag ni Cedrick na gumanap sa GomBurZa bilang si Padre Burgos kung saan siya nagwaging pinakamahusay na aktor.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Talon ni Obiena kasing kinang ng ginto!

    MULING ipinakita ni Ernest John Obiena ang kanyang pagiging isang elite athlete nang maglista ng bagong Philippine indoor pole vault record at angkinin ang silver medal sa World Athletics Indoor Tour Silver sa Rouen, France.     Itinala ni Obiena ang 5.91 meters para burahin ang dati niyang national mark na 5.86m sa Orlen Cup […]

  • Nietes sa Disyembre ang pagbabalik lona

    INAASINTA ni four-division men’s world professional boxing champion Donnie Nietes na muling umakyat ng lona sa darating na DisyembrE o sa papasok na taon.   Panibagong umpisa uli ng karera para sa 38-taong-gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental, dahil sa bagong mamamahala sa kanya na MTK Global at D4G Promotions.   Masaya […]

  • Paglagda ni PBBM sa Eddie Garcia Law na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa entertainment industry, ikinatuwa ni Speaker Romualdez

    IKINATUWA ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos sa Eddie Garcia Law, na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa sa movie, television at entertainment industry.       “The tragic loss of Eddie Garcia, a beloved icon in our film and television world, underscored the urgent need for stronger protections for our […]