Nietes sa Disyembre ang pagbabalik lona
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
INAASINTA ni four-division men’s world professional boxing champion Donnie Nietes na muling umakyat ng lona sa darating na DisyembrE o sa papasok na taon.
Panibagong umpisa uli ng karera para sa 38-taong-gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental, dahil sa bagong mamamahala sa kanya na MTK Global at D4G Promotions.
Masaya si Nietes sa pagpasok ng MTK Global at D4G para sa mga susunod niyang laban matapos magsara ang dating nangangalaga sa kanyang ALA Boxing Promotions.
“I am very happy with this new step in my career. It means so much to me. Being a part of this team is brilliant and I am very grateful,” bulalas kamakalawa ng Negrenseng boksingero.
Kabilang sa mga nakukursunadahan nilang kasahan ang sinuman kina Juan Francisco Estrada ng Mexico, Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand at Chocolatito Gonzalez ng Nicaragua.
Huling nakipagbakbakan si Nietes noong Disyembre 2018 nang makalusot kay Kazuto Ioka ng Japan via split decision sa Macau. (REC)
-
10 FILMS TO CATCH ON HBO THIS OCTOBER 2020
WHICH of these films are you putting on your watch lists? Love films, but don’t know which ones are showing at a certain time? We got you covered! We’re giving you a rundown of some of this months must catch films on HBO if you’ve been wanting to plan your movie nights ahead of […]
-
Mas maraming in-housing units, itatayo sa Navotas
MALUGOD na ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na patapos na ang NavoHomes 2 Kaunlaran na paglilipatan ng 120 pamilyang Navoteño na nakatira sa tabing dagat o danger zoon. Sinabi rin ni Mayor Tiangco na natambakan na ang limang ektaryang site ng NavotaAs Homes 3 sa Tanza at ito ay natambakan ng […]
-
Pangunguna ni VP Leni sa isang Presidential survey para sa 2022 elections, wishful thinking lang-Malakanyang
PARA sa Malakanyang, wishful thinking lang ang lumabas sa isang presidential survey para sa 2022 elections kung saan nanguna si Vice President Leni Robredo. Batay kasi sa PiliPinas 2022 Online Survey Platform for Presidential Candidates, nanguna si Robredo makaraang makakuha ng 34.27 percent na boto, pangalawa si Davao City Mayor Sara Duterte na may […]