• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TARGET ng Department of Education (DepEd) na tapusin ang pagrerebisa sa K to 12 curriculum sa Mayo ngayong taon.

”Ang target date po natin para matapos ‘yan is May 2024. After the review, bibigay sa atin, ipepresenta sa atin kung ano ‘yung mga napansin nila and then we will start with the revision process,” ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa sa Palace briefing.
Enero ng nakaraang taon, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na nakatakdang rebisahin o baguhin ng departamento ang K to 12 curriculum sa layuning makapag-produce ng mas maraming “job-ready at responsible graduates.”
Sa katunayan, isang task force ang nilikha para rito.
Kasama sa task force ang Secretariat na makapagbibigay ng administrative support para sa epektibong implementasyon ng SHS (Senior High School) Program Standards at Support Systems “by addressing logistical concerns and convening the members of the SHS NTF when needed.”
Kabilang sa responsibilidad ng task force ay rebisahin ang umiiral na polisiya ng programa “to ensure consistency, responsiveness, and relevance” para sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholders; at palakasin ang ugnayan sa pribadong sektor at iba’t ibang industriya sa national at regional levels para ” to improve SHS employability.”
Inaasahan din na ide-develop ang mga polisiya at plano base sa program implementation review results at sa inaasahang pangangailangan sa hinaharap.
Idagdag pa rito ang makipagtulungan sa mga makabuluhang tanggapan gaya ng state universities and colleges, at public at private schools, para i-develop ang isang SHS database na kinabibilangan ng “policies, program offerings, at private school data.” (Daris Jose)
Other News
  • Halos 39K katao apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Mayon

    AABOT sa halos 39,000 katao ang apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Mayon.     Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 20,000 residente ang kasalukuyang nasa 28 evacuation centers sa Albay simula pa nang magpakita ng paggalaw ang Mayon.     Nasa anim na lungsod at bayan ang nagdeklara […]

  • 10 hanggang 65 taong gulang pinapayagan nang lumabas ng bahay

    MAAARI nang lumabas ng bahay, makapamasyal at makabisita sa mga kamag-anak ang mga indibidwal na may edad na 10 hanggang 65 taong gulang.   Ito’y matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na i-relax ang age-based restrictions para sa mga lugar na nasa ilalim ng […]

  • BINIGYAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ng Commendation at P10,000 cash na tulong si Ronaldo David

    BINIGYAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ng Commendation at P10,000 cash na tulong si Ronaldo David, miyembro ng Valenzuela Traffic Management Office (TMO) dahil sa kanyang ipinakitang katapangan sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang traffic enforcer. Si David ay sinaktan, pinagbantaan at tinutukan umano ng baril ng dalawang tauhan ng Delpan Police Station 12 […]