• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Harassment ng Tsina sa Pinas, concern sa Europa- German FM Baerbock

SINABI ni German Foreign Minister Annalena Baerbock na itinuturing ng Europa na isang malaking “concern” ang mapanganib na pagmamaniobra ng Tsina sa Philippine vessels sa South China Sea.

 

 

Para kay Baerbock, ang ginawa ng Tsina ay malinaw na paglabag sa international laws at balakid sa freedom of navigation.

 

 

“I think we all agree that the world doesn’t need another crisis,” ani Baerbock.

 

 

“There are rough winds blowing across the South China Sea, and this is happening in the middle of one of most dynamic economic regions of the world,” aniya pa rin.

 

 

Ang insidente aniya sa mga nakalipas na buwan kung saan ginamitan ng Chinese Coast Guard ng lasers at water cannons ang Philippine resupply vessels at collision incidents ay “of concern for us in Europe even though we are thousands of kilometers away.”

 

 

“Such risky maneuvers violate the rights opportunities for economic development of your own country and other littoral states as well,” aniya pa rin sabay sabing ang naging aksyon ng Tsina ay “call into question the freedom of navigation that is enshrined in international law.”

 

 

Kasalukuyang nasa bansa si Baerbockis para sa official visit kung saan nakapulong nito sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ang kanyang counterpart na si  Foreign Affairs Enrique Manalo sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Ang naging pagbisita ni Baerbockis ay marka ng unang pagbisita ng German Federal Foreign Minister to the Philippines sa nakalipas na dekada.

 

 

Samantala, mahalagang tinalakay naman nina Pangulong Marcos, Baerbockis at Manalo ang “political at economic relations, na nakatuon sa peace initiatives at development cooperation ng Germany sa Pilipinas at ang commitment ng dalawang bansa sa rules-based international order sa gitna ng tumataas na tensiyon sa South China Sea. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, nagtalaga ng dalawang bagong CHEd Commissioners

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina Jo Mark Libre at Marita Canapi bilang mga bagong komisyonado ng Commission on Higher Education (CHEd).     Papalitan ni Libre si outgoing commissioner Perfecto Alibin habang papalitan naman ni Canapi si Lilian de las Llagas, kung saan ang termino ay nagtapos noong sa Hulyo 21, 2021.   […]

  • ‘The Big One’, dapat ¬paghandaan – Romualdez

    IGINIIT  ni House Speaker Martin Romualdez na dapat paghandaan ng pamahalaan, lalo na ang mga firts responders, sakaling tumama ang malakas na lindol o tinatawag na “The Big One” sa bansa, lalo na sa Metro Manila.     Ayon sa mga eksperto, libu-libo ang magiging biktima ng nasabing lindol tulad ng nangyari sa Turkey at […]

  • Senador Koko Pimentel, walang bilang sa partido

    NANANATILING chairman ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Kaagad na nagpalabas ng kalatas si PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag matapos na iboto ng paksyon na pinangungunahan ni Senador Manny Pacquiao si elected Senator Aquilino “Koko” Pimentel III bilang party chair, sinasabing para palitan si Pangulong Duterte.   Inilarawan […]